Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) First Full Trailer

Ang isa sa pinakaminahal na Korean Drama series sa buong mundo, mas mapapalapit sa puso ng mga Pilipino. Buong pagmamalaking inihahandog ng GMA Network ang Philippine Adaptation ng Descendants of the Sun.

Gaganap bilang Captain Lucas “Big Boss” Manalo ang Primetime King na si Dingdong Dantes. Ito ang kanyang unang proyekto sa GMA Telebabad matapos nyang mag-renew ng kanyang exclusive contract sa GMA Network noong April 22.

ALSO READ: Dingdong Dantes Leads Philippine Adaptation of Descendants of the Sun

Bibigyang buhay naman ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ang role na unang ginampanan ng Korean Superstar na si Song Hye-Kyo. Sya ang gaganap na Dr. Maxine Dela Cruz, na sya ring leading lady ni Dingdong sa teleserye.

Narito ang Official First Trailer ng inaabangang Pinoy Version ng ‘Descendants of the Sun’:

Kasama rin sa cast si Rocco Nacino. Sa kanyang ika-sampung taon sa showbiz industry, marami rami na rin syang ginampanang role sa telebisyon. At dream come true para kay Rocco ang mapasama sa Biggest Project ng GMA ngayong 2020.

Si Rocco Nacino ang gaganap sa role na Sergeant Diego “Wolf” Ramos. Makakatambal nya ang isa ring talented Kapuso actress, si Jasmine Curtis-Smith.

Gagampanan ni Jasmine ang karakter na si Moira Defensor. Talaga namang inaalagaan ng GMA si Jasmine dahil pawang magaganda ang mga proyektong kanyang kinabibilangan, kabilang na ang Pamilya Roces at Sahaya.

Kasama rin sa cast sina Chariz Solomon, Renz Fernandez, Lucho Ayala, Paul Salas, Prince Clemente, Hailey Mendes, Roi Vinzon, Jon Lucas, Antonio Aquitania, Andre Paras, Reese Tuazon, Jenzel Angeles, Nicole Kim Donesa, Rich Asuncion, at Neil Ryan Sese.

Abangan ang Descendants of the Sun ngayong 2020 sa GMA Telebabad.

Stay tuned Boredmates! Like our Facebook page to keep updated with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our future videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *