‘Tsismis’ noon, Dilaw na fake history ngayon

Totoo nga na kapag ang isang kasinungalingan kapag inulit-ulit ay dadami ang maniniwala.

Sabi nga ni Joseph Goebbels, “If you tell a lie big enough and keep repeating it, people will eventually come to believe it.”

Ganyan nga ang nangyari sa mga kuwento ng mga Dilawan noon, na marami pa rin ang naniniwala ngayon.

Sa kakangakngak ng mga Dilawan, hindi na nila napapansin na ang mga tsismis lang noon ay naging bersyon na nila ng sarili nilang kasaysayan, na sinasabi nilang hindi dapat “i-revise.”

Isang halimbawa rito: ang pagpatay umano kay Manuel “Boyet” Mijares, na ipinatapon daw mula sa lumilipad na helicopter.

Isang Dilawang manunulat ang naglathala ng isang oversized na libro na tila pang-Telenovela ang plot–isang pahina nito ang inilaan para sa drawing ng nangyari umano kay Boyet–sa kabanata nitong The Boy who Fell from the Sky na karamihan ay copy-and-paste lang.

Ang libro ay napabalitang pinondohan ng mga negosyanteng Dilawan na naniguradong maglalaman ito ng kanilang propaganda kaya’t isinama nila sa “editorial board” si Manuel ng pamilya Lopez (pero “Manolo Lopez” lang ang isinulat dito).

Mababasa sa kabanata na pinahirapan si Mijares at brutal na pinatay noong 1977 ng mga tauhan umano ni Marcos bilang ganti sa pagbaliktad ng ama nito na si Primitivo Mijares.

Si Primitivo Mijares ay nagsulat ng libro tungkol sa mga korapsyon umano ng mag-asawang Marcos, ito ang The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos.

Tiyak na maniniwala rito ang isang mambabasa na hindi marunong mamuna at magsaliksik.

Labis nang kokondenahin ng mambabasang iyon si Marcos, at magiging forever Marcos-basher na dahil sa ginawa sa isang inosenteng bata. Dahil nakatatak na sa isip niya ang mga palabas na napanood niya tungkol sa mga taong inihuhulog o binabantaang ihulog sa helicopter, tulad ng sa “The Dark Knight Rises,” “Narcos,” maging sa ”The Gods Must be Crazy.”

Pero pelikula lang ang mga iyon, at ito marahil ang inspirasyon ng mga Dilawang propagandista sa kuwento tungkol kay Mijares.

Pero kung iisipin mo, bakit naman magpapakahirap pa ng ganoon ang mga tauhan ni Marcos, na gagamit pa ng helicopter at ilalagay sa panganib ang kanilang buhay para ihulog ang isang 15-taong-gulang na bata?

Sigurado namang pag-uusapan kaagad ang ganoong kalalang krimen, maaari ring mag-leak ito mula sa mga piloto at mga crew, na required pumirma sa flight manifest.

Patung-patong na Kasinungalingan at Tsismis

Paano nga ba nagsimula ang patung-patong na kasinungalingan na ito?

Bigla na lang naglaho si Primitivo Mijares at nagtungo sa Estados Unidos para magbigay ng testimonya sa congressional committee at pinakiusapan ang US government na kondenahin ang batas militar ni Marcos, at inakusahan ang pangulo ng Pilipinas na sinuhulan siya nito ng $100,000 para huwag mag-testify.

Bagamat may mga sinabi siyang nakakaiyak, hindi bumenta ang kaniyang kuwento. Kaya naman nag-imbento naman siya ng mas nakakagulat.

Hindi pinansin ang libro ni Mijares at ang kaniyang testimonya sa U.S. congress. Nasa kasagsagan noon ng kasikatan si Marcos sa U.S., binansagan pa nga siyang Filipino equivalent nina John at Jackie Kennedy.

Iba ang pinagkakaabalahan at pinag-uusapan noon ng mga Amerikano, ang Watergate scandal at ang pagbibitiw ni Nixon sa puwesto.

Maliban sa mga korapsyon tungkol sa importasyon ng bigas ng mga crony ni Marcos at ang rebelasyon tungkol sa kaniyang extra-marital affairs, nakakaantok basahin ang libro niya.

Lalo pang sumadsad ang kredibilidad ng kaniyang libro dahil sa dalawang malalaking kasinungalingan:

  1. Ang sabi ni Mijares ay si Marcos ang nasa likod ng pagbomba sa Plaza Miranda noong 1971. Ngunit hindi maipagkakaila na kagagawan ito ng Communist Party ng sinabi ng pinuno nito na ginawa ito “to accelerate the revolutionary flow.”
  2. Sinabi ni Mijares na gawa-gawa lang ang balita tungkol sa paglapag ng mahigit 2,000 na rifle sa Digoyo Point sa Isabela noong 1971, at kagagawan daw ito ng mga tauhan ni Marcos para palabasing malala na ang banta ng komunismo at kailangan nang magdeklara ng batas militar. Kalaunan, inamin ng mga sangkot sa pag-smuggle ng mga armas, kabilang na ang mga nagplano nito, na galing ang mga armas sa Tsina at para ito sa New People’s Army.

Pamamangka at Pagbaliktad

Bakit nga ba bumaliktad si Mijares—ang pinagkakatiwalaan ni Marcos sa media na nagpanggap na kolumninsta ng Daily Express—at lumipad papuntang U.S.?

Nagbigay ng clue ang napakarelihiyoso at dating senador na si Francisco Kit Tatad kung bakit. Si Tatad ay dating spokesman ni Marcos at naging kasamahan ni Mijares. Ang clue na ito ay mababasa sa kaniyang libro na inilathala noong nakaraang taon, ang All is Grace: An Autobiography.

Ikinuwento ni Tatad na habang nagtatrabaho si Mijares sa Manila Chronicle ng pamilya Lopez noong Dekada ’60, tumanggi siyang atakihin si Marcos–dahilan para sibakin siya sa trabaho.

Kuwento pa ni Tatad, dahil sa utos ni Marcos, nakapasok si Mijares bilang kolumnista ng Daily Express, pag-aari ng kakampi ni Marcos na si Roberto Benedicto.

Saad ni Tatad: “The real story behind his losing his job at the Chronicle is one for the books. In the 1969 presidential elections when Fernando Lopez was running as Marcos’ vice president, Mijares was assigned to cover the Marcos-Lopez campaign.

“But the Lopezes learned very much later that instead of carrying out his assignment, Mijares went gambling in Las Vegas while a paid back wrote for him by-lined campaign stories. He also reportedly left a trail of gambling debts, which embarrassed the Lopezes.”

Sa salaysay na ito ni Tatad, tiyak na papasok sa isip mo: Pinatay ba si Mijares ng mga gambling lord dahil hindi na siya makabayad sa mga utang niya? O nagpalit siya ng identity para matakasan ang mga pinagkakautangan niya at nanirahan sa napakalaking U.S.?

Ito na rin marahil ang sagot sa matagal nang katanungan na bumabagabag sa marami sa atin.

Kung matatandaan, isa ang asawa ni Mijares na si Priscilla sa mga sumali sa pagsampa ng civil action class suit noong 1992 laban sa mga Marcos na inihain sa korte ng Hawaii, sinabi niyang pinatay ng mga tauhan ni Marcos ang kaniyang anak na si Boyet.

Ang nakakapagtaka, bakit hindi siya nag-file ng kaso para sa asawa niyang pinatay rin umano ng mga tauhan ni Marcos?

Walang Ebidensya

Walang ebidensya o kahit anumang salaysay na pinatay, pinahirapan, at itinapon mula sa helicopter si Boyet ng mga tauhan ni Marcos.

Ang meron lang ay ang mga kuwento ng mga Dilawang manunulat at ang kasong isinampa ng nanay ni Boyet upang mabayaran bilang human rights victim mula sa korte sa U.S.

Ayon sa desisyon ng Manila trial court, napatay si Boyet sa isang bigong kidnap-for-ransom, kung saan ang mga suspek ay sinentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulang.

Sigurado namang maiisip rin ng isang magaling at propesyonal na historyador na mangalap ng mga matitibay na patunay at hindi lang dedepende sa mga tsismis, at babasahin ang balita noon sa New York Times na inilathala noong June 19.

Nakasaad sa report:

“The Philippines police said today that four men had been arrested for the murder of 15-year-old Luis Manuel Mijares, son of one of President Marcos’s severest critics; The youth’s beaten and stabbed body was identified on Friday after he had been missing since May 30.

“The boy’s father, Primitivo Mijares, has exiled himself in the United States, where he has been making speeches critical of ‘the martial law regime of President Marcos.’ He was formerly the head of the government’s Media Advisory Council.

“A coroner’s report confirmed that the young man had died of multiple stab wounds and fractured skull. His mother, Municipal Judge Priscilla Mijares, had received numerous telephone calls demanding ransom money.”

Imbestigasyon ng Pagpatay kay Boyet

Sino nga ba ang pulis na nag-imbestiga sa pangyayari at nagsampa ng kaso? Si noo’y Philippine Constabulary 1st Lt. Panfilo Lacson, na limang taon matapos magtapos sa Philippine Miltary Academy (PMA) ay nagtatrabaho noon sa Metrocom Intelligence and Security Group.

Inilathala ito sa official website ng two-term senator at presidential candidate noong Setyembre noong nakaraang taon:

“The Boyet Mijares murder was a kidnap-for-ransom case. After close coordination with then Judge Priscilla Mijares, Lacson and his team solved this case and filed the appropriate case/s before the prosecutor’s office. ‘Official records will bear me out,'” nakasaad sa post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *