Fact Checking Rappler’s attempt on PBBM’s speech

Kakasimula pa lang ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ay nagsisimula na ring umatake ang news organization na Rappler, na kamakailan lang ay nakatanggap na ng shutdown order mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Kamakailan lang ay sinabi ng CEO ng Rappler na si Maria Ressa na, “I continue to appeal to the incoming administration, work with journalists, we’re here to help you give a better future for the Philippines. We’re not your enemies.”

Kaya naman nakakapagtaka kung bakit sa kabila ng closure order ay patuloy pa rin sa pag-atake ang news outfit laban sa bagong pamahalaan.

At sa araw mismo ng inagurasyon ng bagong Pangulo ay naglabas ang Rappler ng kanilang “fact check” sa speech ni Pangulong Marcos.

Narito ang excerpts mula sa kanilang fact checks:

Rappler’s Claim: Mandate is based on the percentage he gets of the votes of all candidates combined.

Fact Check: Bagama’t totoo na hindi niya nakuha ang pinakamalaking mandato kung pag-uusapan ang terms of percentage, totoo namang siya ang nakakuha ng pinakamalaking boto kung ibabatay sa numero. Kaya kung tatatawagin itong “kasinungalingan”, ito ay misleading at hindi tama, at hindi isinaalang-alang ang konteksto ng sinabi ni President Marcos.

Rappler’s Claim: No administration has achieved total food self-sufficiency, which is defined as a country’s ability to produce consumption needs, like staple food crops, rather than buying and importing. Marcos’ 20-year rule brought famine, higher poverty rates, and inflation reaching 50%, all of which are additional measures of a country’s capacity for food self-sufficiency.

Fact Check: Nang ilunsad ang Green Revolution, nakapagkamit ito ng resulta at humantong sa food self-sufficiency kahit na hindi ito tumagal sa 20-year rule ni Marcos Sr. Anuman ang nangyari matapos itong ipatupad ay hindi nagbabago ang katotohanang may silbi ang ang Green Revolution ni Marcos Sr.

Misleading rin na sinabing umabot ng 50% ang inflation dahil naganap lamang ang pagsipa ng inflation nang inalis ni Marcos Sr. ang Martial Law noong 1981, particulary noong 1984. Sumipa rin ang inflation noong 1974 dahil sa pandaigdigang financial crisis na dulot ng pagtaas ng presyo ng krudo tinatawag ng mga ekonomista na Stagflation.

Source: Macrotrends.net

Rappler’s Claim: On the topic of addressing the rising prices in global oil markets, Marcos said in his inaugural that sufficient fossil fuel-free technologies for whole economies had not yet been invented and rich countries were not attempting to achieve it with current technology.

Sweden, one of the global leaders in developing renewable energy, is already on its path to becoming the first fossil-fuel free nation by 2050.

Fact Check: Mali ang representasyong ginawa dito ng Rappler dahil parang pinapalabas nilang sinabi ni PBBM na hindi pa naiimbento ang fossil fuel-free technologies SUFFICIENT FOR WHOLE ECONOMIES.

Ginamit pa nilang halimbawa ang Sweden. Kung sinipagan lang ng mga researcher nila ang pagbabasa sa source nila, hindi sana nila mapapalampas ang bahaging ito: https://climatechampions.unfccc.int/a-fossil-fuel-free-sweden-is-within-reach/

Sa pamagat pa lang ng article ay masasabi mong HINDI PA TOTALLY AND FULLY fossil-fuel free ang Sweden. Indikasyon na dito ang nakasaad dito na “within reach.” Kung babasahin ang buong article, bagama’t on the way na ang Sweden sa pagiging fossil-fuel free ay mayroon pa rin itong mga suliranin.

Rappler’s Claim: The famous [Bangui Bay] wind farm was not his project. It was built by NorthWind Power Development Corporation, based on a wind mapping study conducted by the National Renewable Energy Laboratory in 1996.

Fact Check: Kahit na isang private company ang nagtayo ng proyekto, hindi pa rin ito masisimulan at matatapos kung walang imprimatur, pag-abruba, at suporta ng Gobernador ng Ilocos Norte noon na si PBBM.

Hindi dapat ginagawang literal ang paggamit ng salitang “built” ng mga politiko, at hindi lang si PBBM ang nag-iisang politiko na gumamit ng ganitong pagtukoy sa mga proyektong kanilang inaprubahan sa ilalim ng kanilang termino.

Sa kaso ng mga windmill, bilang isa itong alternatibong energy project, ito ay nangangailangan ng approval ng LGU.

Sa katunayan, sa isang column ni Jonathan dela Cruz ay ikinuwento niya kung paano naging instrumento si PBBM sa pagbuo ng proyekto. Narito ang link: https://manilastandard.net/opinion/columns/crossroads-by-j-a-dela-cruz/367795/of-course-it-was-bbm-s-project.html

Dapat ay lalo pang galingan ng Rappler at sanayin ang kanilang fact checkers sa malalimang pagsusuri. Hindi rin tama ang pag-akusa sa isang tao ng kasinungalingan kung may mga specific contextual conditions kung saan ang mga naturang pahayag ay maaaring ituring na factual, o kung hindi, ay opinion o justifiable statements.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *