Zelensky, kinondena ang NATO sa hindi pagpayag sa no-fly zone sa Ukraine

Tinuligsa ni Ukranian President Volodymyr Zelensky ang NATO nitong Biyernes (March 4) dahil sa pagtanggi sa pagpapatupad ng no-fly zone sa kaniyang bansa. Dagdag pa niya na alam ng Western military alliance na maaaring maging mas agresibo pa ang Russia.

Umaga ng biyernes, tinanggihan ng NATO ang request ng Ukraine na magpatupad ng no-fly zone upang mapigilan ang pambobomba ng Russia, pero nagbabala ang Western allies kay Russian President Vladimir Putin na papatawan siya ng parusa kung hindi niya ititigil ang giyera.

“Knowing that new strikes and casualties are inevitable, NATO deliberately decided not to close the sky over Ukraine,” ani Zelensky sa isang video na nilathala ng pangulo.

“We believe that the NATO countries themselves have created a narrative that the closing of the skies over Ukraine would provoke direct Russian aggression against NATO.”

Sinabi naman ng NATO chief na si Jens Stoltenberg na hindi makikialam ang alyansa sa sigalot dahil sa takot na direktang makaalitan ang Moscow na magdudulot ng mas malalang kaguluhan.

“The only way to implement a no-fly zone is to send NATO fighter planes into Ukraine’s airspace, and then impose that no-fly zone by shooting down Russian planes,” ani Stoltenberg matapos ang isang urgent meeting.

“If we did that, we’ll end up with something that could end in a full-fledged war in Europe, involving many more countries and causing much more human suffering.”

Ngunit iginiit ni Zelensky na ang pagtitipon ng NATO ay “weak summit, a confused summit.”

“All the people who die starting today will also die because of you. Because of your weakness, because of your disconnection,” aniya.

“Today the leadership of the alliance gave the green light for further bombing of Ukrainian cities and villages, refusing to make a no-fly zone.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *