Walang himala! Pulse Asia, ginamit sa fake news

Ikinaila ng Pulse Asia ang kumakalat na survey results online, kung saan makikita na dumidikit na ang gap nina Vice President Leni Robredo at Ferdinand Marcos Jr. na 14-points na lang ang agwat.

Sa isang pahayag, sinabi ng Pulse Asia na ang pinapakalat na survey results ay hindi nanggaling sa kanila.

“Our organization releases our survey results ONLY through the Pulse Asia Research website,” ayon sa pollster.

Makikita sa survey na nagba-viral online na 38 percent na lang ang voter preference ni Marcos habang 24 percent naman si Robredo.

Nakasaad din sa pekeng survey result na ginanap daw ang poll mula March 10 hanggang 15.

Matatandaan naman na malayo pa rin ang pangunguna ni Marcos sa pinakahuling voter preference survey na ginawa noong February, kung saan nakakuha ng 60 voter preference si Marcos.

Malayo naman ang agwat ni Robredo na nakakuha ng 15 percent voter preference rating.

Hindi naman ito ang unang beses na may kumalat na pekeng survey results online. Matatandaan na kamakailan lang ay kumalat rin ang pekeng SWS poll.

Mabilis namang natukoy na peke ito dahil mali ang nakalagay na pangalan ni presidential candidate Norberto Gonzales.

Screengrabbed from Thinking Pinoy’s Facebook Live video

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *