VP Robredo, muling mang-i-Indian sa SMNI Debates final round?

Maaaring hindi nga lang schedule conflict ang dahilan kung bakit hindi nakasipot si Vice President Leni Robredo sa presidential debate ng SMNI News noong February 15.

Ayon sa source ng Politiko, sinabi nitong si Robredo umano ang presidential candidate na napaulat na nanghingi ng advanced questions na itatanong sa debate.

Kumalat rin ang usap-usapang pinatanggal niya umano ang ilang personalities para maging panelists ng debate, kabilang na si Sass Sasot at blogger na si RJ Nieto o mas kilala bilang Thinking Pinoy.

Nauna na ring maglabas ng sentimyento ang SMNI News anchor na si Mike Abe tungkol dito. Aniya, “Itong si Leni, isa pang pasaway ito si Leni. Nag-demand pa ng personalities sa media na mag-iinterview sa kaniya at sasali sa debate. Nu’ng pagbigyan, umatras din.”

Ayon naman kay Barry Gutierrez, spokesperson ni Robredo, kinailangan raw ng Bise Presidente na ‘wag paunlakan ang presidential debate ng SMNI News dahil sa “long standing commitment” para puntahan ang mga supporter sa Panay Island na naka-schedule umano raw sa mismong araw na iyon.

Nakadalo naman sa kauna-unahang official presidential debate ngayong taon, na inorganisa ng SMNI News, sina frontrunner Ferdinand Marcos Jr., former Presidential Spokesperson Ernesto Abella, labor leader Leody De Guzman, at former National Security Adviser Norberto Gonzales Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *