VP Robredo, inamin ang ‘sikreto’ kung paano makisalamuha sa bashers: ‘Sisiw na ito’

Bilang target umano ng mga troll at mga basher online simula nang manalo bilang bise presidente noong 2016, ibinunyag ni Vice President Leni Robredo sa isang guesting kay Chef Myke Sarthou ang formula kung paano niya hinaharap ang mga atake, kritiko, at aniya’y mga misinformation.

“Ang dami ko na kasing kahirapan na pinagdaanan. Every time may panibagong hirap na pinagdadaanan, palagi kong iniisip kung mas mahirap ba ito sa pagkamatay ni Jess (I have been through so many hardships. Every time I go through something, I think about if it is harder than Jess’ death),” ani VP Robredo, pagtutukoy sa pagkamatay ng kaniyang asawa, si former Interior secretary Jesse Robredo, noong 2012.

“Parati ang sagot hindi. Parati ko lang sinasabi, iyon nga nalampasan ko, so wala, sisiw na ito (The answer is always no. I always say, if I had gotten through that, this is just nothing),” dagdag pa ni VP Robredo.

Gayunpaman, inamin naman ni Robredo kay Sarthou, o mas kilala bilang Chef Tatung, na nati-trigger din siya sa mga atake daw laban sa kaniyang asawa at mga anak.

“Kung ako lang, wala akong pakialam dahil hindi naman totoo ang binabato nila sa akin, (If it’s just me, I don’t care because what they’re saying about me are untrue),” aniya.

Sinabi ni Chef Tatung sa mga manonood na sa kabila ng pagkakaiba sa pinapanigan sa politika, marami raw silang matututunan mula sa lakas at karunungan ng Bise Presidente.

“There is some wisdom you can learn from her if you listen carefully,” ani Chef Tatung, na tumalakay sa iba’t ibang isyu kasama si Robredo habang nagluluto ng isang putahe na inspired sa putahe ng kaniyang Bikolanang lola.

“I derive strength and courage from people sharing stories of their journey. One such person that fascinates me is this lady, VP Leni Robredo,” dagdag pa ni Chef Tatung.

Ayon kay Robredo, ang kaniyang journey sa politics ay hindi lang nagsimula noong siya ay tumakbo bilang congresswoman ng 3rd district ng Camarines Sur. Matagal na raw siyang public servant bago pa man niya pasukin ang mundo ng politika.

Hindi rin naman itinanggi ng presidential aspirant na ang pagkamatay ng kaniyang asawa ang nagtulak sa kaniya para maging mas involve sa pamahalaan.

“The best way for me to honor him is to continue the work he left unfinished,” anang VP, dagdag pa niya, “Kung buhay siya, marami pa siyang gustong gawin. Dahil namatay na siya, ako ang magpapatuloy (If he is still alive, he still wants to do many things. Because he died, I will just continue them).”

Samantala, ibinahagi ni Robredo ang kaniyang vlogging experience kasama si Chef Tatung sa isang Facebook post.

“Been a fan of Chef Tatung and his cooking show on Youtube, Simpol. I have been following his recipes at home, so shooting this episode was a real treat for me. Try nyo guys yung recipe. Ang sarap (Try the recipe. It’s good)!!,” saad niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *