Unification talks kay VP Leni, ayaw na ni Sen. Lacson

Hindi na muling magkakaroon ng unification talks si Senator Ping Lacson kay Vice President Leni Robredo.

Ito ang inihayag ng presidential candidate sa isang interview kasunod ng tanong kung muling magkakaroon ng pag-uusap sa pagitan nilang dalawa.

Ayon kay Sen. Lacson, hindi niya kayang iwanan ang kaniyang running mate na si Sen. Tito Sotto at ang kanilang mga supporter.

Matatandaan na nagkaroon na ng unification talks sina Sen. Lacson at VP Robredo bago ang filing ng COC noong Oktubre pero ayon sa senador ay tinanggihan umano ni VP Robredo ang kaniyang unification formula.

Sinabi rin nito na mayroong mediator ang lumapit at nagpahiging na iatras nito ang kaniyang kandidatura. At sa tingin niya ay mula ito sa kampo ni VP Robredo.

Maliban dito ay nagpahayag na ng pagkayamot si Sen. Lacson dahil sa pagtawag sa kaniya ng red-tagger kasunod ng kaniyang babala na may grupong nakikialyansa sa mga NPA members matapos ang campaign sorty ni Robredo sa Cavite.

Una nang sinabi ni Lacson na ang kaniyang babala ay mula sa kaniyang intelligence report at claims ng mga dating kadre ng NPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *