TV5, maaaring ma-revoke at ma-deny ang prangkisa dahil sa pakikipag-merge sa ABS-CBN ayon sa law expert

Maaaring maging sanhi ng revocation o denial ng anumang renewal ng kanilang prangkisa ang TV5 sa pakikipag-merge nito sa ABS-CBN.

Ayon kay Atty. Larry Gadon sa panayam sa kaniya ng SMNI News, ang ABS-CBN ay may bahid na ng paglabag hinggil sa foreign ownership at kontrol ng kanilang network.

Kung titignan, nakasaad sa batas na dapat mga Pilipino lamang ang maaaring magmay-ari ng isang broadcasting network dito sa Pilipinas.

At dahil nga nag-merge na ang ABS-CBN at TV5, mababahiran na ang huli ng pera mula sa mga banyaga.

Nalabag na naman ang batas kaugnay sa pagkuha ng prangkisa lalung-lalo na ang ABS-CBN dahil hindi nito ginalang ang tamang proseso dahil sa naturang pakikipag-merge ng dalawang network.

Ito ay iilan lang sa mga inisa-isa ni Gadon na mga nalabag sa kasalukuyan ng ABS-CBN at TV5.

Hindi dapat makalimutan ang nauna nang violations ng ABS-CBN dahil marami pa itong hindi nabayaran na penalties, ayon sa law expert.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *