Tambalang BBM-Sara, muli na namang namayagpag sa survey

Matapos ang pinakabagong Pulse Asia at SWS surveys, ngayon naman ay angat pa rin ang tambalang BBM-Sara sa latest Publicus Asia survey.

Ito ay matapos makakuha ng pinamataas na voter preference kung ikukumpara sa mga tambalang tumatakbo din sa May 9 elections.

Sa lumabas na 2022 National Election Tracker Survey ng Publicus Asia, nakakuha ng pinakamataas na vote preference ang tambalang BBM-Sara.

Matatandaan na ang BBM-Sara Tandem din ang namayagpag sa pinakabagong Pulse Asia Survey at SWS Survey na lumabas kamakailan.

Sa Publicus Survey, nakakuha si BBM ng 52. 27 percent voter preference habang 22. 33 percent lang ang nakuha ng kasunod nito na si VP Leni Robredo.

Pumangatlo naman si Isko Moreno Domagoso na nakakuha ng 8.87 percent.

Si Senator Ping Lacson ay nasa pang-apat na pwesto na nakakuha ng 3.27 percent at sumunod naman sa kaniya si Pacquiao na may 2.67 vote preference sa survey.

Sa Vice Presidential race naman, 53.53 percent ang nakuha ng first placer na si Inday Sara na sinundan naman ni Sen. Kiko Pangilinan na nakakuha lamang ng 13.67 percent.

Si Willie Ong ang third placer na nakakuha ng 12.60, hindi na malayo sa nakuhang 9.20 percent ni Senate President Tito Sotto III na nasa ika apat na pwesto sa naturang survey.

Ginawa ang National Election Tracker Survey mula Pebrero 11-16 ng kasalukuyang taon sa 1,500 na mga registered voter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *