SUV driver sa Mandaluyong hit-and-run incident, no-show sa hearing!

Hindi sumipot si Jose Antonio Sanvicente, ang SUV driver sa Mandaluyong hit-and-run incident, hindi sumipot sa preliminary probe ngayong Biyernes sa unang hearing ng preliminary investigation ng insidente.

Ayon sa legal counsel ni Sanvicente na si Atty. Danny Macalino, natanggap ng kampo nila ang kopya ng affidavit ng security guard na si Christian Floralde, na nasagasaan ng SUV habang kinokontrol ang trapiko sa isang mall noong June 5.

Sinabi ng abogado na hiningan si Sanvicente ng counter affidavit sa June 23, kung kailan gaganapin ang susunod na hearing. Sinabi rin ni Macalino na dadalo ang kaniyang cliente sa susunod na hearing dahil isusumite niya rin ang kaniyang counter affidavit.

Nakipag-usap na raw ang abogado sa kampo nila Floralde “in a very cordial manner”.

Pero nilinaw ni Macalino na hindi settlement sa biktima ang pakay ng kaniyang cliente.

“We are willing to help but that doesn’t mean na aaregluhin iyong kaso,” aniya.

Samantala, sinabi naman ni Federico Biolena, abogado ng biktima, na disappointed sila sa hindi pagsipot ni Sanvicente.

“I hope so na nandito siya para makasumpa siya. He cannot submit his counter affidavit without him being present in the Prosecutor’s Office,” ani Biolena.

Tumagal nang mahigit isang oras ang kauna-unahang preliminary investigation sa reklamong frustrated murder and abandonment of one’s own victim na isinampa laban kay Sanvicente.

Dumalo si Floralde pero tumanggi itong magpaunlak ng media interview.

“Sinumpaan ng biktima ang kaniyang mga salaysay at nagbigay kami ng mga ebidensya doon na nagpapatunay kung sino ang may gawa ng nangyari sa kaniya,” ani Biolena.

Sinabi ni Biolena na hindi pa pormal na inaako ni Sanvicente ang mga gastusin para sa pagpapagamot sa mga injury ng gwardya.

Depende raw kay Floralde ang anumang posibleng negosasyon, ayon sa abogado.

“Hindi ako makakapagsalita tungkol sa mga negotiation, but let justice run its course,” aniya.

“Dapat magkaroon ng hustisya ang biktima,” dagdag pa ng abogado.

Sumuko si Sanvicente sa kapulisan nito lang Miyerkules, halos 2 linggo matapos ang hit-and-run incident.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *