Sara Duterte, titignan ang posibilidad na salary increase para sa public school teachers

Pag-aaralan ni incoming Vice President at Education Secretary-designate na si Sara Duterte ang posibilidad na taasan ang pasahod para sa mga guro sa pampublikong eskwelahan.

Itinama rin ni Duterte ang maling impresyon na wala raw ginawa ang administrasyon ng kaniyang tatay, si President Rodrigo Duterte, tungkol sa panawagang taasan ang sahod ng mga teacher.

“Actually the Duterte administration did something about that.

“So we’ll dovetail from what the Duterte administration did for the welfare and benefits of teachers.

“So titignan natin paano natin ma-push ‘yun from kung ano ‘yung mga accomplishment galing sa administration ni PRRD,” anang nakababatang Duterte.

Matatandaang ipinangako ni Pangulong Duterte na dodoblehin ang sweldo ng mga public school teacher tulad ng kaniyang ginawa sa mga uniformed personnel.

Bigo mang maisakatuparan ang kaniyang pangako, naipatupad naman niya ang salary increases ng mga nagtatrabaho para sa gobyerno.

Samantala, sinabi ni VP-elect Duterte ang ang kaniyang tanggapan ay patuloy na nakikipag-usap sa mga opisyal ng DepEd para sa maayos na transition.

“Nakailang exchange of communications na kami, written communications na kami ni Secretary Briones and the initial face-to-face, the very first face-to-face meeting will be on June 25 but before that, meron na kaming mga arrangements na nagawa through written communication,” ayon sa alkalde ng Davao City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *