Rappler ni Maria Ressa, tatlong beses naging most distrusted PH news org – Reuters study

Patuloy sa pagbulusok ang Rappler sa trust ranking ng mga media groups dito sa Pilipinas sa loob ng tatlong magkakasunod na taon.

Ayon sa Reuters Institute Digital News report, ang Rappler ang nakakuha ng pinakamataas na porsyento sa mga surveyed audience na nagsabing hindi nila pinagkakatiwalaan ang news outlet.

Para sa 2022 report, bumagsak din ang Rappler bilang least trusted network, mula sa pagiging second to the last noong 2020 at 2021.

Makikita sa pinakahuling Reuters report na 46% lamang ng mga natanong ang may tiwala sa content ng Rappler, samantalang 32% naman ang nagsabing hindi nila pinagkakatiwalaan ang mga inilalabas na balita ng Rappler.

Mas dumami naman ang “don’t trust” kung titingnan ang pattern noong 2020 (49% trush, 28% don’t trust) at 2021 (45% trust, 29% don’t trust).

Samantala, nananatili naman ang GMA Network bilang most trusted network with a 70% rating, laban sa 10% na nagsabing nawala na ang tiwala nila sa mga ibinabalita ng Kapuso Network.

Sinundan naman ito ng Manila Bulletin na may 66% trust score.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *