President Duterte, binanatan ang ABS-CBN sa huling SONA

Hanggang sa kaniyang ika-anim at pang-huling State of the Nation Address (SONA) kahapon, July 26, hindi tinantanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating giant network na ABS-CBN.

Muling binanggit ng Pangulo sa halos tatlong oras na ulat niya sa bayan ang aniya’y bilyun-bilyong utang ng ABS-CBN sa gobyerno.

Pahayag ni Pangulong Duterte, “Itong frequency, ang frequency ng ABS-CBN. ‘Yan ang pinaka-ideal kasi, you know, frequency is everywhere.

“Wala akong problema sa ABS-CBN. They got my money, they wanted to return it when the case blew up.

“But they printed all the garbage, including my daughter as a drug trafficker.

“Nilamon ko na lang lahat ‘yun, because I never wanted to be… to appear vindictive.”

Ang tinutukoy ni Pangulong Duterte na perang kinuha ng ABS-CBN ay ang kaniyang bayad para campaign ads para sa presidential elections noong 2016 pero hindi naman nai-ere ang kaniyang ads.

Sa halip ay inere pa ng ABS-CBN ang mga black propaganda laban sa kaniya at gumamit pa ng mga menor de edad para siraan ang noo’y kandidato palang sa pagka-Pangulo.

Sa kasagsagan ng franchise hearing ng ABS-CBN, nag-offer ang ABS-CBN na isauli ang ibinayad ni Pangulong Duterte ngunit hindi na ito tinanggap ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, malaki raw ang pananagutan sa buwis ng ABS-CBN kaya hindi niya pahihintulutang makakuha muli ito ng kanilang frequency.

Aniya, “They are cheating government by the billions, in taxes.

“And they still want the frequency, because yan ang pinag-aawayan.”

Dagdag pa ng Pangulo, ibibigaw raw ng gobyerno ang dating frequency ng ABS-CBN sa mga Pilipino na tapat na nagnenegosyo at nagbabayad ng tamang buwis.

“I will give it to a Filipino na gustong magawa ng tamang ano and pay, because sa ABS-CBN, even their equipment were imported tax-free, kaya talaga ako hindi magpapayag.

“They still owe government billions.”

Hindi rin pinalampas ng Pangulo ang lupang kinatitirikan ng ABS-CBN Broadcast Center sa Quezon City.

Sabi ng Pangulo, “Nakalagay doon, 4 hectares. So, ang binabayaran nila 4 hectares sa property taxes.

“It’s supposed to be 40 hectares, that complex there.

“Ginamit nilang papel 4 hectares lang. ‘Yun lang ang binabayaran nila. Kung di ba naman… kaya ko sila inaway.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *