Pinasusumite ng NTC ngayon ang Commercial agreement ng TV5 sa ABS-CBN

Pinagsusumite ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN at TV5 ng kanilang commercial agreement.

Pinagsusumite rin BIR, BOC, NTC, at SEC ang dalawang media company ng clearance.

Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, bubusisiin ng NTC ang proposed joint venture sa pagitan ng TV5 at ABS-CBN.

Giit ni Cordoba na ang prangkisang ibinibigay ng gobyerno ay isang pribilehiyo, kaya dapat lamang na matiyak ng pamahalaan na ito ay nagagamit nang tama.

Batay sa nakasaad sa Memorandum Order 3-06-2022 ng NTC, ang anumang kumpanyang makakatransaksyon ng isang kumpanyang nabigyan ng legislative franchise para makapag-operate ay kinakailangang walang outstanding obligation sa gobyerno.

Matatandaan na March 2020 nang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN at hindi na pinagkalooban ng prangkisa dahil sa mga paglabag nito sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *