Pagbabalik-politika ni Noli de Castro, wala raw basbas ng ABS-CBN?

Wala umanong blessing ang management ng ABS-CBN sa planong pagbalik sa politika ni Kabayan Noli de Castro.

Ayon sa isang reliable source, hindi raw totoong binigyan ng blessing ng management si Kabayan Noli na kumpirmadong kakandidatong senador sa partido nina Manila Mayor Isko Moreno (for President) at Doc Willie Ong (for Vice President).

Ilang araw na ang nakakaraan nang may isang source ang nagsabi at lumabas sa tabloid na Pang Masa na balik-politika nga ang dating senador at naging Bise Presidente din ng Pilipinas.

Tulad ni Mayor Isko, nanggaling din sa ‘ibaba’ si Kabayan Noli — mula sa pagiging production assistant noon kay Inday Badiday, bago nakilala at sumikat sa pagho-host ng Magandang Gabi Bayan at TV Patrol sa radyo at telebisyon, hanggang pasukin ang mundo ng politika at nag-number one sa pagka-senador noong 2001.

Naging vice president naman siya noong 2004 hanggang 2010 sa ilalim ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ano kaya ang magiging final decision ni Noli de Castro? Babalik kaya siya sa politika at iwan ang mas tahimik na buhay bilang mamamahayag?

Baka mabuhay na naman ang isyu tungkol sa Pag-IBIG fund noon.

One thought on “Pagbabalik-politika ni Noli de Castro, wala raw basbas ng ABS-CBN?

  1. Dapat magpapaalam na sa GMA Network sina Arnold Clavio at Mike Enriquez bago tatakbo sa pagkasenador sa Eleksyon 2022 kung puwedeng suportahan ang ABS-CBN Shutdown yung GO-DU30 Tandem!!!

    #ArnoldCalvioForSenator
    #MikeEnriquezForSenator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *