Noli de Castro, umatras na sa pagtakbong senador

Sinabi ni former vice president Noli de Castro nitong Miyerkules na iniurong na niya ang kaniyang kandidatura sa pagka-senador sa 2022 elections dahil sa “change of plans.”

“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,” ayon sa statement ni De Castro.

“Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura.”

Isa ring beteranong mamamahayag at dating senador, sinabi ni De Castro na narealize niya na malaki ang kaniyang maitutulong sa publiko kung ipagpapatuloy niya ang kaniyang propesyon sa journalism.

“Gayunpaman, hindi po nagbago ang aking layunin at hangad para sa bayan. Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makakatuloy ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag,” aniya.

One thought on “Noli de Castro, umatras na sa pagtakbong senador

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *