Malacañang, nagkomento na sa pagkapanalo ni Ressa ng Nobel Peace Prize

Matapos ang tatlong araw na pananahimik ng Palasyo kaugnay ng pagtanghal kay Maria Ressa bilang kauna-unahang Pilipinong Nobel Peace Prize awardee, nagbigay na ito ng pahayag ngayong Lunes, October 11.

Napili ng Norwegian Nobel Committee si Ressa at ang Russian journalist na si Dmitry Muratov bilang 2021 Nobel Peace Prize recepient, isang pagkilala sa kanilang pagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag.

Nang tanungin ng media ang Palasyo sa pahayag nito, ilang araw itong hindi tumugon hanggang nitong Lunes, kaswal na binanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang isyu.

“Binabati natin si Maria Ressa bilang kauna-unahang Pilipino na nagwagi sa Nobel Peace Prize,” ani Roque sa kaniyang opening statement.

“It’s a victory for a Filipina and we’re very happy for that kasi wala naman pong ‘utak-talangka’ dito sa Malacañang,” tugon nito nang hilingin ng media ang komento ng Palasyo.

Kumambyo naman agad si Roque at iginiit na sa kabila ng makasaysayang panalo, nananatiling “convicted felon” si Ressa sa Pilipinas.

“It is true that there are individual who feel that Maria Ressa still has to clear her name before our courts as, in fact, she’s a convicted felon for libel, cyber libel in the Philippines, and she faces other cases in the Philippines. That’s for the courts to decide,” sabi ni Roque.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *