Isko Moreno, naungusan na si Leni sa survey

Inilabas na ng Tangere ang resulta ng isinagawa nilang Presidential survey na tumakbo mula January 3 hanggang 8 ngayong taon.

Ayon sa survey, sumampa na sa 60% ang botong nakamit ni presidential aspirant Bongbong Marcos. Nangangahulugan ito na 6 sa bawat 10 Filipino ang boboto kay Marcos sa paparating na halalan sa Mayo.

Tinalo na ni Isko Moreno sa ikalawang puwesto si VP Leni Robredo. Ngayong apat na buwan na lang bago mag-Mayo, 1/4 na lang ng boto ni Marcos ang botong nakamit ni Robredo.

Sa parehong survey, tinanong ang mga respondent kung sino ang kanilang preferred second choice sakaling hindi matuloy sa halalan si Marcos. 63% ng BBM voters mula sa Mindanao, Southern Luzon at Bicol Region ang boboto kay Isko, mas mataas ito kumpara sa 45% noong nakaraang buwan.

5 hanggang 6 sa bawat 10 respondents naman na maka-BBM mula sa Northern Luzon, Central Luzon, Visayas, at NCR ang second choice si Isko Moreno.

Nangangahulugan ito na sakaling madisqualify si BBM, tatlo sa kada-limang botante ang lilipat sa Mayor ng Maynila. Mula 16% voters, tatalon ito sa 52% overnight. Ang dalawa sa kada-limang botante naman ay paghahatian pa ng ibang kandidato kabilang sina Robredo, Lacson, Pacquiao, at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *