Howie Severino, na-bash sa pambabatikos kay F. Sionil Jose

Maraming mainstream journalists ang nag-comment sa kontrobersyal na post sa Facebook ng National Artist for Literature at Ramon Magsaysay Awardee na si F. Sionil Jose.

Isa na rito ang respetadong dokumentarista ng GMA Network na si Howie Severino.

Kinilala kasi ang CEO Rappler na si Maria Ressa bilang kauna-unahang Filipino-American Nobel Peace Prize awardee noong Biyernes, October 8.

Sa kabila ng mga papuri na kaniyang natanggap, maraming tao na tila nagsasabing hindi karapat-dapat si Ressa sa naturang award.

Naging usap-usapan sa Facebook ang naging pahayag ni F. Sionil Jose nitong Sabado, October 9.

Aniya, hindi deserving si Ressa sa Nobel Peace Prize dahil siya raw mismo ay maraming beses na ring pumuna kay Duterte ngunit hindi sa kalayaan sa pamamahayag.

Sinabi rin ni Jose na malaya pa rin ang pamamahayag sa Pilipinas at hindi si Ressa ang dahilan nito.

“Maria Ressa does not deserve the Nobel… I have criticized Duterte but not on press freedom. The Philippines press is alive and well not because of Maria Ressa. No writer is in jail. There is no censorship,” ani Jose sa kaniyang Facebook post.

Nabanggit din ng national artist ang tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN. Aniya, hindi si Pangulong Duterte ang nagpasara nito kundi ang 70 congressmen na nag-deny ng franchise renewal ng ABS-CBN matapos makitaan ng maraming paglabag.

Dagdag din niya, labis na nasubok ang mga mamamahayag noong panahon ng diktatorya ni Ferdinand Marcos Sr, na kung saan pinasara ang lahat ng mga media at ikinulong ang mga mamamahayag, at hindi sa panahon ni Duterte.

“The real test for journalists was made during the Marcos dictatorship when he imposed censorship, closed all media and jailed journalists,” aniya.

Howie Severino to F. Sionil Jose: “She’s (Maria Ressa) a much better writer”

Dinepensahan ng mamamahayag na si Howie Severino si Maria Ressa tungkol sa pahayag ni F. Sionil Jose.

Ayon sa kaniyang komento, nabasa niya ang mga libro nina Jose at Ressa, sinabi niyang mas mahusay na manunulat si Ressa.

“My opinion as a reader- I’ve read your books and I’ve read Maria’s books. She’s a much better writer. Your books are hard to finish. Your dialogue is stilted and unrealistic.” aniya.

“Even your columns contain little to no insight. But I like your bookstore,” dagdag pa ng Kapuso documentarist.

Gayunman, marami naman ang hindi nagustuhan ang naging komento ni Severino.

Ang Nobel Peace Prize ay nagmula sa huling will and testament ni Alfred Nobel noong November 1895, kung saan nakasaad doon na ibabahagi niya ang kaniyang mga maiiwang kayamanan sa larangan ng physics, chemistry, physiology o medisina, literatura, at mga naging bahagi sa pagtataguyod ng kapayapaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *