Fake news sa pagkulong, pagpapahirap, at pagpatay sa ilalim ng Marcos administration

“Amnesty International has estimated that about 70,000 people were imprisoned, 34,000 were tortured, and 3,257 were killed during the Marcos dictatorship.”

Ang pahayag na iyan, daang beses nang pinaulit-ulit ng mga dilawan tungkol sa mga pangyayari umano sa panahon ng martial law ay isang klasikong halimbawa ng isang technique ng panlilinlang ayon sa Nazi propaganda chief na si Joseph Goebbels: “If you repeat a lie often enough, it becomes accepted as truth.”

Sa pangyayaring ito, makikita natin na ang pinaniniwalaan nating katotohanan ay isa palang kasinungalingan, sinadyang ipakalat para pasamain ang imahe ng ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Hindi kailanman nagbigay ang Amnesty International (AI) ng pahayag na may kinalaman dito.

Gawa-gawa lamang ito ng mga anti-Marcos US academic noong 2001 na ipinakalat ng mga Dilawan, lalo na ang mga komunista, dahil ang pagpapakitang si Marcos ay isang masama at diktador na dapat patalsikin sa pamahalaan ang kanilang pangunahing propaganda para i-justify ang kanilang existence.

Ang sinaad ng Amnesty International ay paulit-ulit na binabanggit, at dahil paulit-ulit itong naririnig ay marami ang naniwalang ito ay totoo.

Hindi rin maipagkakaila na maging ang mga akademiko dito sa Pilipinas ay may pagkiling laban sa mga Marcos at paulit-ulit nilang sinasabi ang kasinungalingang ito, at itinatapon sa basurahan ang kanilang pag-aaral sa mabusising pagpa-fact check.

Halos lahat din ng mainstream newspaper sa bansa ay may article na paulit-ulit ding sinasabi ang kasinungalingang ito.

Ang pinakahuling nagbanggit dito ay si Luke Espiritu, isang senatorial candidate, sa isang televised debate. Sigaw ni Espiritu: “I go for the record, Amnesty International: 3,257 ang pinatay noong panahon ni Marcos, 35,000 ang tinorture, 70,000 ang kinulong. It’s a matter of record.”

Ang record na ito ay nasa ulo lang ng kandidato. Walang “record” mula sa Amnesty International, wala rin sa ibang credible reports. Ang numerong ito ay gawa-gawa lamang noong 2001 ng mga akademikong anti-Marcos sa US.

70,000 na ikinulong

Sa isang panayam sa Amnesty International noong 1976, si dating Pangulong Ferdinand Marcos mismo ang nagsabi na 70,000 ang ikinulong sa unang mga taon ng pagpapatupad ng martial law.

Gayunpaman, ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng mga na-detain — mula sa ilang oras na pagkakakulong hanggang sa ilang linggo — na karamihan dito ay sa unang dalawang linggo ng martial law, hakbang ng pamahalaan upang maiwasan ang opposition sa paghihimagsik laban sa gobyerno.

Sa kabila nang pag-e-exaggerate ng mga bilang mga political prisoner, 510 detainees lang ang naitala ng Task Force Detainees (TFD) noong March 1976.

Sa taunang ulat ng Amnesty International noong 1981, iniulat ng international independent group na mayroon lamang humigit kumulang 1,000 political detainees sa kabuuan ng panahon ng martial law.

Ayon din sa parehong AI publication, ipinaalam ni Command for Administration of Detainees na si dating Defense undersecretary Jose Crisol na 1,913 ang kabuuang bilang ng political detainees sa pagtatapos ng 1980, pero naging 243 na lamang noong June 4, 1981.

Hindi na kinuwestyon ng Amnesty International ang bilang na ito. Napatotohanan naman ang bilang na ito. Noong bumagsak ang rehimeng Marcos, ipinag-utos ni President Corazon Aquino na pakawalan ang lahat ng mga ikinulong sa ilalim ng martial law proclamations kahit pa tutol dito ang dating Defense secretary na si Juan Ponce Enrile, dahil halos lahat sa mga ito ay may mga nakabinbing kaso sa civil courts — na dahilan kung bakit hindi sila pinalaya kahit pa nagtapos na technically ang martial law noong 1981.

Kabilang sa mga pinalaya ay ang chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria Sison, New People’s Army (NPA commaner Dante, at 24 na iba pang kasapi ng CPP central committe at dalawa pang sundalong pinaniniwalaang kasapi ng kinatatakutang “urban assassination team” ng partido, ang Alex Boncayao Brigade.

Ilan ang pinalaya ni Cory, kabilang na ang mga nahaharap noon sa criminal charges, miyembro ng teroristang Light a Fire Movement at ang mga nagbalak na patayin si Marcos? Humigit kumulang 441, malayung-malayo sa sinasabing 70,000 ng mga kalaban ni Marcos.

34,000 na pinahirapan

Ang sinasabing 34,000 na pinahirapan ay gawa-gawa lang, at ipapaliwanag sa ikalawang bahagi nitong serye kung paano ito nabuo.

Ayon sa Human Rights Victims Claims Board, na nabuo sa ilalim ng isang batas na isinulong ni PNoy noong 2013, na gumamit ng impormasyon mula sa communist-controlled TFD na 2,104 biktima ang pinahirapan — 6 percent lang sa 34,000 na iginigiit nila.

Karamihan dito ay mga pinuno ng CPP o ng mga NPA. Kabilang dito si Communist Party chairman Sison at ang kaniyang asawa, maging ang third chairman ng partido na si Benito Tiamzon at ang kaniyang asawa, secretary general Wilma Austria, at 12 iba pang kasapi ng committee.

Ayon naman kay Roberto Tiglao ng Manila Times, 800 lamang ang bilang ng mga tinorture mula 1972 hanggang 1974 batay sa ulat ng mga NGO at sa mga librong kanilang mga isinulat.

Halos lahat ng mga partidong sangkot ay ininterrogate sa maiksing panahon na iyon para matunton ang mga impormasyon at para maaresto ang iba pa nilang kasapi.

3,257 na pinatay

Ang bilang na 3,257 na biktima umano ng extrajudicial killing noong panahon ng martial law ay mula sa libro ni Richard J. Kessler na Rebellion and Repression in the Philippines, na inilathala noong 1989.

Na-debunk na ito ni Roberto Tiglao sa kaniyang column na “The truth behind the human rights abuses,” noon pang 2016.

Ang source dito ni Kessler ay ang kahina-hinalang TFD. Ang iniulat kasi ng TFD na “pinatay” o “nawala” ay mga biktima ng New People’s Army (NPA) at mga kaalyado nitong Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kanilang laban para mapatalsik si Marcos.

Mapanlinlang ang propaganda strategy ng Communist Party sa paglalarawan sa pamahalaang Marcos bilang isang walang-awang pasistang gobyerno na pumapatay ng mga “inosenteng” magsasaka sa mga probinsya, lalo pa’t ang mga isyung kanilang ipinakakalat ay — “imperyalismo, pyudalismo, at bureaucrat-capitalism“ — na hindi naman masyadong nakaimpluwensya ng masa maging ng mga middle class para makibaka kasama nila.

Ayon sa ulat ng Human Rights Claims Board ng administrayon ni PNoy, na pinagbatayan rin ang bilang ng TFD, mas mababa ang bilang ng “extrajudicial killings” na kanilang naitala sa panahon ng martial law: 2,326.

Ayon sa kapulugan, sa ulat kung saan naganap ang mga pagpatay, maaaring ang mga napatay ay hindi mga inosenteng biktima kundi nasawi dahil sa pakikipagbakbakan ng mga NPA at separatistag Muslim laban sa militar at kapulisan.

Gamit ang datos mula sa Human Rights Victims Memorial Commission na ginawa noong administrasyong Aquino, makikita sa nakalakip na talaan sa article na ito na 97 percent ng mga “pagpatay” ay nangyari kung saan may NPA at Muslim insurgencies simula 1972.

Napakasama ng propaganda ng mga komunistang ito: ginamit nila ang mga nasawa dahil sa mga NPA at Muslim insurgency para palabasing walang-awa ang gobyerno.

Kung hindi nila sinubukang pabagsakin ang gobyerno, wala ring mamatay, walang basehan para sa mga alegasyon ng mga paglabag sa mga karapatang pantao.

Sa lahat ng mga kuwento ng mga Dilawan ng “malawakang paglabag sa karapatang pantao” noong panahon ng martial law, isang mahalagang bagay ang hindi nila kailanman binabanggit: Na ito ang panahon kung kailan mayroong communist insurgency, na hanggang 1974 ay suportado sila financially at materially ng China, at ang dalawang Muslim rebellions naman ay pinondohan ng Malaysia noong panahon na iyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *