Dahil sa pagtira kay Marcos? ‘24 Oras,’ bahagyang bumaba ang ratings; ‘First Lady,’ nadamay

Kapansin-pansin na tila nawalan na ng gana ang maraming television viewers sa flagship news program ng GMA-7 na 24 Oras.

Kung ihahambing kasi sa nakukuhang ratings ngayon ng 24 Oras sa pagsisimula ng taong ito, makikita ang pagbaba ng rating ng Kapuso news program.

Ayon mula sa datos ng Nielsen Philippines, nakapagtala ang 24 Oras ng 15.7% nito lang March 14, mas mababa ng 1.5% kumpara sa 17.2% sa parehong period dalawang buwan pa lang ang nakakaraan (na nakakaabot pa ng 20%+ noong nakaraang taon). Ang 1.5% na ito ay katumbas ng mahigit-kumulang 1 million viewers.

Kapansin-pansin ding hindi na naaabot ng First Lady ang dating nakukuhang ratings ng First Yaya na humihigit pa sa 20% noon lang nakaraang taon.

Marami ang nakapansin na tila tahasan at napapadalas na ang pagtira ng 24 Oras kay presidential candidate Bongbong Marcos ngayong mas lumalapit na ang halalan.

Samantala, isa pa sa ibinabatong isyu ngayon laban kay Marcos na inilathala ng GMA News ay patungkol sa estate taxes sa mga ari-ariang minana ng pamilya mula kay Ferdinand Marcos, Sr. na nagkakahalaga umano ng mahigit P200-B.

Hindi nga lang idinetalye ng GMA News kung ang mga ari-arian bang ito ay nasa kamay na ba ng mga Marcos o kasama sa mga frozen assets alinsunod sa Executive Order no. 2 (series of 1986) ni dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino.

Matatandaan namang noong 1991 pa nagsimula ang usapin tungkol sa estate taxes ng mga Marcos, kaya nakakapagtaka lang kung bakit ngayong kulang-kulang dalawang buwan na lang ay bigla itong binubuksan. Bakit hindi ito ang ginamit na grounds para sa disqualification case laban kay Marcos Jr.?

Hirit ng netizens, okay lang naman daw na batuhin nila ng putik si Marcos, pero ibalita rin nila ang mga isyung ibinabato kay VP Leni Robredo, gaya ng pagmamanipula umano ng drone shots, pamemeke ng number of attendees, paghahakot ng supporters sa campaign rally, at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *