Bongbong Marcos, runaway winner sa Manila Bulletin presidential survey sa Facebook

Nagsagawa ng survey ang Manila Bulletin upang mapulsuhan ang sentimyento ng mga mambabasa sa kanilang online platforms: Website, Facebook, at Twitter.

Magkakaiba ang naging resulta ng survey depende sa audience at followers ng kada-platform. Pinakamaraming nag-participate sa Facebook (839,000+), kumpara sa Twitter (43,300+) at Manila Bulletin website (10,500+).

Sa website ng Manila Bulletin, close fight sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo sa isinagawang survey. 41.8 percent sa mga nag-participate bumoto kay Robredo, samantalang 41.3 percent naman ang bumoto kay Marcos.

Ikatlo naman si Senator Panfilo “Ping” Lacson (8.8%), na sinundan nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (4.6%), Senator Ronald “Bato” Dela Rosa (2.5%), at Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao (1.1%).

Sa survey naman sa Facebook, na umabot sa mahigit 839,000 reactions, 73 percent ng respondents ang nais na si Marcos ang maging Presidente, samantalang 24 percent lang ang pumili kay Robredo. Pumangatlo si Domagoso (2%), na sinundan nina Dela Rosa (1%), Pacquiao (1%), at Lacson (1%).

Samantala, medyo may pagkakaiba naman sa Twitter kumpara sa resulta ng survey sa website at Facebook page ng Manila Bulletin.

Mas mataas ng bahagya ang lamang ni Robredo na naka-45.8 percent, samantalang 41.2 percent naman ang bumoto kay Marcos.

Mas mataas naman ang porsyento na bumoto kay Domagoso na naka-4.6 percent, na sinundan nina Dela Rosa (3.3%), Lacson (3.2%), at Pacquiao (1.7%).

At kung susumahin naman ang lahat ng boto mula sa tatlong platforms ng Manila Bulletin, lumalabas na runaway winner pa rin si Marcos na naka-69.8%, pumapangalawa si Robredo na naka-24.8%, na sinundan nina Domagoso (2.1%), Lacson (1.2%), Dela Rosa (1.1%), at Pacquiao (1.0%).

WEBSITEFACEBOOKTWITTERTOTAL
Bongbong Marcos4,337612,47017,71669.8% (634,523)
Leni Robredo4,389201,36019,69424.8% (225,443)
Isko Moreno48316,7801,9782.1% (19,241)
Ping Lacson9248,3901,4191.2% (10,733)
Bato Dela Rosa2638,39013761.1% (10,029)
Manny Pacquiao1168,3907311.0% (9,237)
Based on the Percentages from the Official Manila Bulletin Survey published on October 19, 2021

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *