Battle of Idiot Boards: ‘Kakampinks’ at BBM supporters, nagtalo dahil sa teleprompter

Muli na namang nagkagirian ang mga supporter ni Vice President Leni Robredo at Ferdinand Marcos Jr dahil sa paggamit ng teleprompter ng kani-kanilang pambato sa eleksyon.

Pinaniniwalaang nagsimula ang isyu nang mag-tweet ang Twitter user na si @QMotherGothel ng isang larawan ni Robredo na nakatingin sa isang teleprompter sa kaniyang pinakahuling campaign rally sa Iloilo. Caption sa tweet: “TANGINUH MAY IDIOT BOARD.”

Ginatungan naman ng mga supporter ni Marcos ang insultong ito, sabi ni @jet1187: “showtime yarn? May script?? Hehehe”

Sabi naman ni Twitter user @batangmunti: “idiot kasi yung nagbabasa.”

Tinukoy naman ng ibang netizen na gumamit rin naman ng teleprompter si Marcos sa proclamation rally ng BBM-Sara Uniteam noong February 10.

Ang proclamation rally ng BBM-Sara Uniteam ang tinuturing na opisyal na pagsisimula ng pangangampanya ng grupo na ginanap sa Philippine Arena.

Sabi naman ni @LTfangurl: “Tanginuh ung mas matalino pa idiot board kay Alamano. Mga duwag!”

“Yung poon mo may prompter na, nag aalamano pa. wag maging tanga for cloud, magiging kawawa lalo poon mo,” tweet naman ni @ayarnn.

“TANGINUH MAY IDIOT,” saad naman ni @NeatTwits.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *