Atom Araullo, kinontra si Raffy Tulfo tungkol sa Pamilya Marcos

Kalat na sa social media ang stand ng senatorial aspirant Raffy Tulfo hinggil sa isyu ng mga Marcos.

Sa naging pahayag kasi ni Raffy sa Headstart ng ANC noong Lunes, sinabi niyang dapat ay hayaan na lang ang korte ukol sa ill-gotten wealth issues laban sa pamilya ng mga Marcos.

“Kasalanan nu’ng tatay, bakit magiging kasalanan ng anak? Why would he apologize for something that he did not do, na may kagagawan ay tatay niya? Opinyon ko ‘yan,” pahayag ni Tulfo.

Dagdag pa niya, unfair raw pala kay Bongbong na humingi ng tawad para sa mga kasalanan ng kaniyang pamilya kahit siya ay naging biktima raw ng ganitong sitwasyon.

“Nangyari na sa akin ‘yan, ilang beses na. May mga issue ang mga kapatid ko and yet, itinuturo sa akin na kasabwat ako. Sinasabihan rin ako na ‘mag-sorry ka, isauli n’yo ‘yan.’ Ang sinasabi ko, ‘Why? Anong kinalaman ko d’yan? Bakit ako magso-sorry? I don’t have anything to do with it’,” pagbabahagi ng beteranong mamamahayag.

Maaalalang ganito rin ang stand noon ng namayapag senador na si Miriam Defensor-Santiago.

Sa isang panayam kay Santiago, sinabi niya na “I have not seen prima facie evidence that he killed someone, raped someone, or burned a house, that he violated the Penal Code. Wala namang alegasyon na siya mismo gumawa. Noong Martial Law, maliit pa lang siyang bata.

“There is no allegation that he himself sinned against his neighbor. We are going against what the Bible said: ‘The sins of the father should not be visited upon the son.’ I am a church-going Catholic. I weighed these matters very carefully, I assure you. I wrote an entire book on theology and religion, and that’s my humble conclusion.

“Bigyan natin siya ng pagkakataon dahil nanalo naman na siyang senador. Nanalo siya—ibig sabihin the greater majority do not have opposition to his being a public servant.”

Samantala, iba naman ang pananaw ng Kapuso news anchor na si Atom Araullo tungkol sa isyu.

Sa kaniyang Twitter account, ni-retweet nito mula sa Inquirer.net ang naging pahayag ni Raffy Tulfo.

“1. Umamin/Acknowledge, 2. Huming ng tawad/Apologize, 3. Isauli ang ninakaw/Return ill-gotten wealth,” saad ni Atom sa kaniyang tweet.

“Lalong mahalaga ang 2 and 3 kung nakinabang at pinagtakpan ang ‘kasalanan’ sa mahabang panahon. Bukod pa ang usapin ng kriminal na pananagutan, kung meron man,” dagdag pa ng news anchor.

Hati naman ang opinyon ng netizens tungkol sa tweet ni Atom, may mga kumampi at meron ding kumontra.

Isang netizen ang kumondena sa sinabi ng Kapuso news anchor at dinamay pa ang nanay nito. Sabi ni Richard Cha Solomon, “Atom Araullo is demanding from BBM apology in behalf of his father former President Ferdinand E. Marcos. Saying further that he needs to as the father’s sin are his sins too.

“Oh wow!

“If then, Why not be the 1st to ask apology on your mother’s behalf of her sins too against the country being a communist ideologist who has affected hundreds if not thousands of innocent Filipino lives in joining radical undertakings of the CPP-NPA and has messed up their education and their parents dreams for them?

“We Filipinos demand apology from you just the same. Not just in words but likewise in writing.”

Naglabas naman ng pahayag ang Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law. Sinabi nito sa kanilang pahayag na “Marcos Jr. was not an idle, innocent bystander during the time his father was plundering the nation’s coffers or jailing and torturing political dissidents.”

Dagdag pa nito, “He benefited from and enabled the sins of his father as much as he had sins of his own, especially when Marcos Jr. held key government positions during his father’s dictatorhip.”

Sa edad na 23 ay nanalong vice governor ng Ilocos Norte si Bongbong Marcos noong 1980 hanggang 1983. Pagkatapos nito ay nahalal siyang governor noong 1983 hanggang 1986.

Habang siya ay nakaupong governor ng Ilocos Norte, na-appoint rin siya bilang chairman of the board ng Philippine Communications Satellite Corporation (Philcomsat) noong 1985.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *