Filipino Ham Recipe for Christmas

Panahon na naman ng Kapaskuhan at kabi-kabila na naman ang mga magiging handaan. Ano pa ba ang bida sa lamesa tuwing pasko? Kundi ang Hamon!

Sa panahon ngayon kung kailan mahal ang mga bilihin, alam n’yo ba na makakatipid kayo kung kayo mismo ang gagawa ng inyong hamon. Medyo matrabaho nga lang pero sigurado ka naman na buong pamilya ay makakapagsalu-salo sa iyong ihahanda.

Narito ang Recipe sa paggawa ng ating All-Time Favorite na Hamon:

Ingredients

Para sa pagku-Cure

  • 8 tasa ng tubig
  • 2 tasa ng asin
  • 1/2 tasa ng asukal na pula
  • 2 kutsarang Prague Salt
  • 2 kilos ng baboy (pigue o hita) na walang buto; piliin ang may balat at may kasamang konting taba
  • Butcher’s thread o sinulid na ginagamit sa Crochet

Para sa Pagluluto

  • 1 1/2 tasa ng Pale Pilsen Beer
  • 4 piraso ng bawang
  • 4 piraso ng dahon ng laurel
  • 2 tasa ng Pineapple Juice
  • 1 tasa ng asukal na pula
  • Tubig hanggang ma-cover lahat ng laman

Curing Instructions

  1. Paghalu-haluin ang asin, asukal na pula at prague salt sa tubig.
  2. Bilugin ang baboy at gumamit ng butcher’s thread para kumapit ang laman at maging bilog. Wag masyadong balutin upang ma-absorb ng laman ang curing solution.
  3. Ibabad sa loob ng apat hanggang limang araw. Ilagay sa refrigerator.

Cooking Instructions

  1. Pakuluan ang baboy sa loob ng limang minuto at i-drain.
  2. Paghalu-haluin ang beer, bawang, pineapplie juice at isang tasa ng asukal na pula.
  3. Maaaring dagdagan ng tubig upang mailubog ang kabuuan ng baboy.
  4. Lutuin sa loob ng isang oras o hanggang sa lumambot ang baboy.
  5. Alisin ang sinulid.
  6. Maaaring taktakan ng asukal na pula at sunugin gamit ang torch. Pwede ring gumamit ng mainit na syanse kung walang torch. Maaari mo ring i-bake para malusaw o masunog ng bahagya ang asukal

Maaari mo nang i-serve ang iyong homemade hamon!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *