NUTAM People Ratings (Nielsen): December 6, 2020

Talaga namang inabangan nitong Linggo, December 6, ang episode ng award-winning magazine news program ng GMA Network na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Hindi napigil sa pagpupuyat ang mga manonood para lang mapanood ang mga istoryang itinampok nila kagabi, kabilang na ang “Ang Laban ni Zoey,” “Have a Safe Trip ngayong Pandemic!,” “DIY Hair Disaster!,” “Ipis Be With You,” “Birhen de Regla ng Masbate,” “Lulong sa Online Sabong,” at “Gaano mo kakilala ang iyong ka-chat?”.

Nag-trending din ito kagabi sa Twitter.

Ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, nakapagtala ang programa ni Jessica Soho ng 19.6%, mas mataas kumpara sa nakuha nito noong November 29 na 18.8%

Consistent rin sa ratings ang marami pang programa ng Kapuso network, kabilang na rito ang All-Out Sundays na naka-5.7%, ang replay episode ng Wagas na naka-5.4%, maging ang Dear Uge na naka-5.4% din.

Pati ang GMA Blockbusters kung saan ipinalabas ang Boy Tokwa: Lodi ng Gapo ni Jose Manalo ay nakakuha ng 5.6%.

Mas matataas naman ang rating sa gabi, 10.1% ang nakuha ng Amazing Earth, tumaas din kumpara noong Sabado ang The Clash na nakakuha ng 18.6%.

Patunay lang ito na hindi matitibag ang mga programa ng GMA kahit pa marami ang naninira dito, lalo pa’t ang hatid nito ay mga palabas na makabuluhan at may matututunan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *