NUTAM People Ratings (Nielsen): October 31, 2020

Hindi pa rin talaga patitinag ang GMA pagdating sa lakas ng signal nationwide!

Dahil mahigit 80 milyong Pilipino ang naaabot ng GMA-7, hindi malabong ito ang pinaka pinanonood ngayon ng mga Pilipino.

Kaya nga naman, tila sarili lang din ang kalaban ng GMA pagdating sa TV ratings dahil hirap na hirap pa ring humabol ang TV5, A2Z Channel 11, at Kapamilya Channel (cable).

Nitong Sabado, October 31, ay naka-14.1% ang 24 Oras. Sinundan ito ng Pepito Manaloto na naka-19.6% naman.

Ang The Clash, na consistent na mataas, ay naka-19.2%. Sumunod ang Magpakailanman (19.5%) at Daddy’s Gurl (11%).

Kahit ang replay na Celebrity Bluff ay naka-6.1%.

Samantala, wala pa rin kaming makuhang datos para sa mga programa ng ibang TV network.

Maganda sana ang laban ng TV5 dahil magaganda rin naman ang ilan nilang programa.

Nariyan ang sitcom na Oh My Dad na pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Dimples Romana, at Gloria Diaz. Level up din ang Rated Korina na naghatid naman ng katatakutan noong Sabado.

Patuloy pa rin naming sinusubaybayan ang Betty sa NY tuwing Lunes hanggang Biyernes ng gabi, na meron ding replay tuwing hapon.

Kung nationwide lang sana ang signal ng TV5, tiyak na mayayanig ang GMA at tiyak na gagawa pa ng mga dekalidad na palabas.


If you want to view more Nielsen TV Ratings, click here.

For NUTAM, Nielsen gets data from more than 3,500 home panels installed in different Urban areas in the entire Philippines.

Kantar Media, on the other hand, has a total of 2,610 panels installed in both Urban and Rural homes.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *