Rerun ng My Korean Jagiya, mas tinutukan ng manonood!

Mahigit tatlong taon na mula nang unang ipalabas ang My Korean Jagiya sa GMA-7 pero tinutukan pa rin ng mga manonood ang kwento ng super fan na si Gia (Heart Evangelista) at ang kanyang ultimate oppa na si Jun-Ho (Alexander Lee).

Medyo late na ang timeslot ng teleserye ni Heart pero pinagpuyatan pa rin ng mga Kapuso viewers ang nakakakilig na romantic comedy series na ito ng GMA.

Ayon sa Nationwide Urban Television Audience Measurement o NUTAM ng Nielsen Philippines, nakapagtala ang rerun ng pilot episode ng My Korean Jagiya ng 7.0%, mas mataas kumpara sa nakuha nito noong una itong ipalabas noong August 21, 2017. Nakakuha noon ng 6.6% ang My Korean Jagiya, laban sa 6.2% ng A Love to Last ng ABS-CBN.

Samantala, hindi pa rin binibitawan ng solid Kapamilya viewers ang FPJ’s Ang Probinsyano sa Mega Manila kahit mahigit kalahating taon na mula nang mag-shutdown ang ABS-CBN.

Ang Probinsyano, patuloy na umaarangkada sa ratings!

Tinututukan pa rin ng mga manonood ang Ang Probinsyano ni Coco Martin na ipinapalabas na ngayon sa Kapamilya Channel (cable) at A2Z Channel 11 (free-to-air television).

Hindi pa rin maiwasan ng mga Kapamilya viewers na ma-hook sa kanilang telebisyon dahil mas tumitindi ang mga eksena sa top-rating program ng A2Z Channel 11.

Ngayong gabi, patuloy na nagkakalabuan ang relasyon nina Alyana (Yassi Pressman) at Cardo (Coco Martin). Dahil dito, hindi naiwasan ni Cardo na pagbalingan ang mga tauhan ni Turo dahil pangmamaltrato nila kay Macoy (Seth Fedelin).

Samantala, nag-aalala si Lola Flora (Susan Roces) kay Lolo Delfin (Jaimé Fabregas) dahil sa paglala ng kondisyon ng matanda.

Habang tinitingnan ni Lito (Richard Gutierrez) ang isa sa mga proyekto nila ni Alyana, lumabas ang kanyang tunay na kulay dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap.

Samantala, naghahanap naman si Lily (Lorna Tolentino) ng mga ma-implumensyang tao para maging kapanalig upang maprotektahan ang kanyang drug empire.

Ang Probinsyano versus Encantadia

Kahit pa ang Ang Probinsyano ang pinakamalakas na teleserye ng A2Z-11, tila malayu-layo ang pagdadaanan ng teleserye para maabot nitong muli ang dati nitong kasikatan.

Sa ngayon kasi ay napapanood lang ang teleserye ni Coco sa Mega Manila via A2Z Channel 11 at nationwide naman kaso nga lang ay sa cable channel na Kapamilya Channel.

Ayon sa Nationwide Urban Television Audience Management o NUTAM ng Nielsen Philippines, nakapagtala ang Ang Probinsyano ng 4.2%. Samantala, ang katapat nito sa GMA-7 na rerun ng Encantadia ay nakakuha naman ng 18.2%.

Ang rating na nakuha ng Ang Probinsyano ay katumbas lamang ng pinakamahinang primetime program ng GMA-7 na My Love from Another Star.


Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *