NUTAM People Ratings (Nielsen): November 1, 2020

Dahil stay-at-home pa rin ang karamihan sa atin dahil na rin sa pag-iingat sa COVID-19 pandemic at dahil na ring inaasahang mag-landfall ang Bagyong Rolly noong Linggo, halos lahat ay nakatutok lamang sa TV at nakababad sa social media.

Ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, GMA-7 shows pa rin ang mas pinanonood ng karamihan kaya mataas ang rating ng lahat ng kanilang programa.

Kung noong bago mag-shutdown ang ABS-CBN ay bihirang makakuha ng mahigit 10% ang kahit anong programa mapa-ABS-CBN o GMA, ngayon ay consistent nang mataas ang mga Kapuso shows.

Palaban din naman ang mga programa ng TV5 at A2Z Channel 11, pero dahil medyo mahina lang ang signal coverage nito, hindi rin ito gaanong napapanood ng ating mga kababayan.

Noong Linggo, November 1, mas tumaas pa ang rating ng mga Kapuso shows.

Nakakuha ng 7.8% ang All-Out Sundays kahit pa ibinalik ang comedy skits ni Betong. Hindi namin malaman kung bakit andami-daming nambabash kay Betong, pero kapag nasa AOS naman s’ya ay tsaka mataas ang ratings ng programa.

Sadyang hindi na ba talaga patok ang pure musical variety show?

‘Yan kasi ang hinihihirit ng mga netizen, na sana raw ay ibalik ang SOP, Sunday All Stars o Party Pilipinas.

Pero kung magbabalik-tanaw tayo, kaya nga nawala sa ere ang mga palabas na iyon ay dahil sa patuloy na pagbaba ng ratings.

Salamat sa Sunday Pinasaya ng APT Entertainment at nakakuha ang GMA ng bagong formula para sa Sunday noontime show.

Nakakuha naman ng 7.6% ang replay episode ng Wagas.

Maging ang replay episode ng Dear Uge ay mataas rin ang nakuha. Nakapagtala ang comedy anthology ni Eugene Domingo ng 7.8%.

Grabe ang Wagas at Dear Uge, pang-primetime na ang dami ng viewers.

Kung maaalala n’yo, naglalaro lang dati sa 4 to 10 percent ang mga palabas sa GMA Telebabad. Pero ngayon, maging ang pang-hapon na palabas tuwing Linggo ay nakakakuha na rin ng ganyang kataas na rating.

Maging ang flop movie na Banal ng APT Entertainment ay mas marami ang nanood sa telebisyon, kaya nakakuha ito ng 10.6% na rating.

Petmalu rin ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na nakapagtala naman ng 17.2%.

Lalong tumaas naman ang The Clash na nakakuha ng 22.5%, pero bahagyang bumaba ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-20.5%.

Kahit late na late naman at replay na ang The Boobay and Tekla Show, pasok pa rin sa banga ang nakuha nitong 5.8%.

Tiyak naman na patuloy pang raratsada sa ratings ang GMA-7 ngayong Nobyembre dahil sa all-new episodes ng Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation at Prima Donnas.

Samantala, nalalapit na rin ang pagbabalik ng Anak ni Waray versus Anak ni Biday at Love of My Life dahil nagsisimula na silang mag-taping.

TOP 20 PROGRAMS

RANKPROGRAM TITLECHANNELRATING (%)
1The Clash Season 3GMA22.5
2Daig Kayo ng Lola KoGMA21.0
3Kapuso Mo, Jessica SohoGMA20.5
424 Oras WeekendGMA19.0
5Amazing EarthGMA17.2
6GMA Blockbusters: BanalGMA10.6
7 – 8Dear UgeGMA7.8
All-Out SundaysGMA7.8
9 – 10WagasGMA7.6
Kapuso Movie FestivalGMA7.6
11The Boobay and Tekla ShowGMA5.8
12iBilibGMA3.5
13Born to be WildGMA3.0
14Aha!GMA2.9
15KnockoutGMA2.4
16Fairy TailGMA1.9
17 – 18Dragon Ball SuperGMA1.8
2020 PBA Philippine CupTV51.8
19Sunday Noontime Live!TV51.7
20Sunday KadaTV51.6

If you want to view more Nielsen TV Ratings, click here.

For NUTAM, Nielsen gets data from more than 3,500 home panels installed in different Urban areas in the entire Philippines.

Kantar Media, on the other hand, has a total of 2,610 panels installed in both Urban and Rural homes.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *