NUTAM People Ratings (Nielsen): December 5, 2020

Ayon sa nakuha naming impormasyon, isa sa pinakamalakas na programa na ipinalabas noong Sabado, December 5, sa A2Z Channel 11 ay ang Maalaala Mo Kaya episode kung saan bumida si Arjo Atayde at Jane de Leon.

Dala rin siguro ito ng pagkapanalo ni Arjoy ng Best Actor in a Leading role sa 3rd Asian Academy Creative Awards.

Ayon mula sa datos ng Nielsen Philippines, nakapagtala ng mahigit 2% ang episode ng MMK, mas mataas kumpara sa mga nauna nitong rating na 1% o mas mababa pa.

Samantala, kahit na kaliwa’t kanan ang paninira ngayon sa GMA, nananatiling malakas pa rin ang mga programa nito.

Noong Sabado, nakakuha ng 16.3% ang Magpakailanman episode na pinagbidahan ni Sef Cadayona. Halong drama at comedy ang kwentong inilahad ng #MPK tungkol sa kwento ng buhay ng isang sikat na vlogger na si John Michael Villaflor.

Mataas rin ang nakuhang rating ng bagong episode ng Pepito Manaloto: Kuwento Kuwento na naka-15.1%. Tatlong kuwento ang itinampok noong Sabado, ang “Wrong Send”, “Tahi”, at “Panaginip”.

Ang The Clash naman ay nakapagtala ng 16%, at 10% naman ang bagong episode ng Daddy’s Gurl.

One thought on “NUTAM People Ratings (Nielsen): December 5, 2020

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *