‘The Voice Kids’ nasa GMA na? Sarah at Bamboo, inaabangan!

Tuluy-tuloy pa rin ang lipatan blues.

Tila kampante naman ang GMA Network sa napipintong pagbubukas ng network ng mga Villar.

Kunsabagay, ilang beses na ring nagpalit ng strategy ang TV5 noon pa pero hindi pa rin nila kinayang tapatan ang Kapuso Network.

Sinubukan na rin ng TV5 na mamirata noon ng mga malalaking artista sa ABS-CBN at GMA, na pinainan pa ng malalaking talent fee, pero wala ring pinatunguhan.

Nagkaroon pa ng kasunduan sa pagitan ng TV5 at ABS-CBN Entertainment para umere sa kanila ang mga programa ng Kapamilya Channel, pero hindi pa rin nito mapigilan ang patuloy na pamamayagpag ng GMA sa ratings.

Pero ang mahalaga ay marami ang nabibigyan ng trabaho sa industriya ng telebisyon.

Samantala, may rumor naman na nabili na umano ng GMA Network ang rights ng The Voice Kids na dating nasa ABS-CBN.

Napapabalita ring babalik sa The Voice Kids ang mga judge nito na sina Sarah Geronimo-Guidicelli at Bamboo, maliban kay Lea Salonga na faithful daw sa ABS-CBN.

May mga nagco-comment naman sa social media na lalo na raw mababawasan ang trabaho ng mga true blue GMA Sparkle stars, pero may policy ang GMA Management na priority nila ang kanilang mga talent, lalo na ang homegrown talents nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *