Yasser Marta, muling pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center

Muling pumirma ng bagong exclusive contract ang Kapuso actor na si Yasser Marta sa GMA Artist Center ngayong araw, June 16.

Sa isang virtual interview na naganap matapos ang kaniyang contract renewal, ipinaalam ni Yasser ang kaniyang kagustuhan na makatrabaho si John Lloyd Cruz na nakatakdang gumawa ng dalawang projects sa GMA ngayong taon.

“Kahit sino, sa akin naman open talaga ako sa lahat kung sino man makatrabaho ko,” panimula ni Yasser.

“Well, nakikita naman na natin ngayon sa GMA si John Lloyd Cruz.

“‘Yan si Mr. John Lloyd Cruz. Bata pa lang talaga ako, siya talaga ang minahal ko pagdating sa pag-arte.

“Bata pa lang ako siya na talaga ‘yung iniidolo ko.

“Hopefully, makasama ko siya.”

Ibinunyag din ni Yasser na nakatakda rin siyang gumawa ng indie film na sa Baguio City kukuhanan ang mga eksena. Ang nasabing pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Adolfo Alix, Jr.

“Meron akong gagawing movie, sana matuloy. Pero ano siya, indie na horror movie,” ani Yasser.

“Lahat naman, paunti-unting natutupad [‘yung mga pangarap ko] at binibigyan tayo ng opportunity ng mga nakikilala natin.

“Alam ko isu-shoot ‘yun sa Baguio, e, so kakaiba siya.”

Unang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center noong 2016 matapos sumali sa Spogify feat. Singing Baes ng Eat Bulaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *