Yam Laranas, gusto ulit makatrabaho si Alden Richards

Gustong makatrabahong muli ng direktor na si Yam Laranas ang Kapuso actor at Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa isang bagong proyekto.

Nakatrabaho ng direktor ang Kapuso actor sa pelikulang The Road na ipinalabas dito sa Pilipinas noong 2011.

Ipinalabas rin ang thriller film ng GMA Films sa United States noong 2012. Napanood din ito sa Belgium, North America, at Singapore.

Nag-tweet kahapon, January 13, ang direktor kung saan tinanong n’ya si Alden kung ngayong taon na sila magsasama ulit para sa isang pelikula.

Noong nakaraang taon, nag-tweet din si Direk Yam tungkol sa posible nilang reunion project.

Katatapos lang gawin ni Direk Yam ang bago n’yang Thriller film na Night Shift.

Bida sa Night Shift ang Kapamilya actress na si Yam Concepcion. Kasama ng aktres sina Epy Quizon, Soliman Cruz, Ruby Ruiz, Mercedes Cabral, Irma Adlawan, at Michael De Mesa.

Si Paolo Fernandez ang producer ng pelikula sa ilalim ng Viva Films, Aliud Entertainment, at ImaginePerSecond.

Nakatakda namang ipalabas sa mga sinehan ang Night Shift sa January 22.

Maliban sa The Road at Night Shift, nakilala rin si Direk Yam sa mga pelikulang Sigaw, The Echo, Patient X, at Aurora.

ALSO READ: MMFF 2018 Review: Aurora

Samantala, busy naman si Alden bilang lead actor ng inspiring GMA Telebabad series na The Gift na napapanood sa GMA-7 mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *