Xian Lim, “sinapak” ni Glaiza de Castro

Dapat abangan ng mga manonood ang first teleserye ni Xian Lim sa GMA-7. Makakatambal ni Xian sa False Positive ang isa sa prized talents ng Kapuso Network na si Glaiza de Castro.

Ang teleplay nito ay isinulat ni Renato Custodio Jr. katuwang si Creative Consultant / Creative Head Dode Cruz. Si Aloy Adlawan ang creative director, si Anthony Pastorpide ang Program Manager, at si Irene Villamor ang direktor ng False Positive.

Nagsimula na silang mag-taping noong huling linggo ng November at inaasahang umere sa unang quarter ng 2022.

Mukhang at-home na at-home na si Xian sa Kapuso Network dahil game na game siyang nakikipagkulitan with his co-stars sa kaniyang upcoming series sa GMA-7.

Sa TikTok, pinakita nina Xian at Glaiza ang kanilang kwelang side habang on-break sa kanilang taping. Kunwari ay hinahampas ni Xian si Glaiza dahil sa kakatawa kaya napikon si Glaiza at “sinapak” ang kaniyang leading man.

@awkwardchinito

December budol dance entry with @xxglaizareduxx @rochellesolinap | DC: Rochelle | (may konting ambag si Glaiza pero 'di ginamit 🤣) ##fyp

♬ original sound – Alexander Xian Lim

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *