Xian Lim, pipirma ba ng kontrata sa GMA?

Marami ang nagtatanong kung kumpirmado na raw ba talaga ang pagiging Kapuso ni Xian Lim dahil wala raw naganap na press conference para sa pag-welcome sa aktor.

Nag-post kasi si Ultimate Star Jennylyn Mercado ng screenshot ng virtual story conference nila para sa kaniyang upcoming series at kasama roon si Xian Lim bilang leading man niya.

Matagal nang napabalitang magtatambal sina Jennylyn at Xian sa Love. Die. Repeat. at ngayon nga lang nakumpirma na ang dating Kapamilya actor na nga ang leading man ni Jen sa bago niyang series.

Noong baguhan pa lang si Xian sa showbiz ay nagkaroon siya ng ilang guest appearances sa drama anthology na Maynila na ipinalabas sa GMA-7 bago siya sumikat sa ABS-CBN.

Puwede na ngang sabihing Kapuso na rin si Xian, with or without contract, pero sa aming pagkakaalam ay per project lang siya at hindi network contract ang pinirmahan niya gaya ng pinirmahan ni Bea Alonzo.

Pero okay na rin muna ‘yun at maaaring mapanood ang aktor sa iba’t ibang network.

One thought on “Xian Lim, pipirma ba ng kontrata sa GMA?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *