Xian Lim, may bagong leading lady sa GMA

Nakapag-meeting na ang GMA-7 management at ang Viva Artist Agency na namamahala sa career ng dating Kapamilya actor na si Xian Lim.

Ngayong araw daw ipapaalam sa aktor at sa VAA na on-hold muna ang series niya with Jennylyn Mercado na “Love. Die. Repeat.”

Kalat na rin naman ang tungkol sa ‘interesting stage’ ngayon ng Kapuso actress, kaya ang sabi ng source namin, bibigyan daw muna ng ibang show si Xian, at ibang leading lady.

Hindi rin naman kasalanan ni Xian at ng buong produksyon ng Love. Die. Repeat. kung bakit kinailangang i-hinto pansamantala ang taping.

Kilala rin naman ang GMA-7 na inaalagaang mabuti ang kanilang mga artista, gaya nga nang magdalantao noon si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kaya kinailangan ding i-pull out sa series na The Rich Man’s Daughter. Pinalitan siya ni Rhian Ramos sa serye.

‘Yung team-up daw nina Xian at Jennylyn ay itutuloy pa rin naman kapag okay na ang Kapuso actress.

Masuwerte si Xian dahil naging dalawa pa ang proyekto niya sa GMA-7 na dapat ay isa lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *