Xian Lim, handang-handa na sa bagong teleserye ng GMA

Nakatakdang bumida si Xian Lim sa upcoming GMA series na pinamagatang False Positive kasama si Glaiza de Castro.

Na-excite ang fans ni Xian nang ipakita niya ang kaniyang bagong look para sa kaniyang bagong proyekto sa GMA na pinamagatang False Positive, isang serye na kaniyang pagbibidahan kasama si Glaiza de Castro. Ang serye ay ididirek ni Irene Villamor.

Sa Instagram noong Lunes, November 22, ipinakita ni Xian ang kaniyang bagong haircut habang nakasakay sa isang motor. Sa kaniyang caption, binanggit niya na para ito sa kaniyang role bilang Edward La Guardia sa False Positive.

Nag-react ang fans at followers, kabilang ang girlfriend ni Xian na si Kim Chiu, sa post ni Xian na nagkomento kung gaano good-looking ang aktor sa kanyang bagong hairdo.

Nakatakda sanang bumida si Xian sa Kapuso primetime series na Love. Die. Repeat., katambal si Jennylyn Mercado. Na-hold ang produksyon ng serye dahil sa pagbubuntis ng huli. Inaasahang magpapatuloy ang produksyon ng Love. Die. Repeat. sa susunod na taon pagkatapos manganak ni Jennylyn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *