Xian Lim, certified Kapuso na!

Isa nang ganap na Kapuso ang aktor, host, at direktor na si Xian Lim ngayong bahagi na siya ng GMA Network.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras ngayong Biyernes, inihayag ni Xian ang kaniyang pasasalamat at excitement sa bagong yugto ng kaniyang showbiz career at sa una niyang proyekto sa Kapuso Network.

“I feel very happy and excited na nandito ako, you interviewing me, I’m really grateful sa lahat ng nangyayari,” pahayag ng aktor.

Kumpirmado na rin na makakatrabaho ni Xian si Ultimate Star Jennylyn Mercado sa bagong teleserye ng GMA-7 na may pamagat na Love. Die. Repeat.

Hindi naman maiwasan ni Xian na purihin ang kaniyang bagong leading lady. Aniya, “Even before, I watched her projects with John Lloyd [Cruz] and I instantly became a fan dahil aside from magaling siya, I don’t know… There is just something about Jennylyn na parang, wow, ang galing naman, ang galing naman nitong taong ito. You can tell that she is very passionate with what she is doing.”

Pinuri rin ni Xian ang kaniyang soon-to-be workmates. “Ramdam na ramdam ko lang talaga ‘yung positive vibes from the production team, to our director Irene (Villamor), and to the people I’m gonna be working with, to my co-actors. Nakakatuwa lang, kasi alam mong magiging masaya ‘yung samahan.

Sa upcoming TV series, kung saan makakasama rin sina Kim Domingo at Mike Tan, sinabi niyang ibang-iba ito para sa viewers.

Labis daw na nagustuhan ni Xian ang konsepto ng kanilang series lalo nang mabasa niya ang buong script.

“Kakaiba ‘yung kuwento. I would say na this would be the first attempt for this genre to be in a teleserye.

“In terms of my character, it is also, para sa viewers natin, para sa mga Kapuso natin. And of course to all the fans and supporters watching.

“I would say it’s something different na maibibigay ko sa table this time around,” pahayag ng aktor.

Maliban daw sa acting, bukas rin daw si Xian sa iba pang proyekto ng Kapuso Network, kabilang na ang hosting at pagdidirek.

“Hosting pageants and game shows is something very close to me,” ani pa ni Xian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *