Xian Lim, bibida muna sa ibang projects habang pahinga ang ‘Love. Die. Repeat’

Ipapakita ni Xian Lim ang kaniyang husay sa pag-arte sa isang upcoming movie at mini TV series.

Tiyak na masaya pa rin ang bagong Kapuso actor na si Xian Lim dahil kahit naka-break ang kaniyang upcoming Kapuso series na Love. Die. Repeat ay bibida naman siya sa iba’t ibang proyekto.

Nahinto ang taping para sa nasabing series dahil sa pagbubuntis ng lead star nito na si Jennylyn Mercado, pero nakatakda naman itong ituloy pagkapanganak ng aktres at kapag nawala na ang post-pregnancy weight.

Samantala, natapos nang gawin ni Xian ang suspense-thriller movie ni Brillante Mendoza na Bahay na Pula na nakatakdang ipalabas sa Vivamax sa susunod na taon.

Kasama ni Xian sa cast sina Julia Barretto at Marco Gumabao, at umiikot ang kuwento sa buhay ng bagong kasal na sina Jane (Barretto) at Raffy (Lim). Uuwi silang Oriental Mindoro upang ipagbili ang minanang bahay ni Jane mula sa kaniyang lola. Doon muling makikita ni Jane ang kaniyang ex-lover (Gumabao) at doon magsisimula ang conflict ng kuwento.

Nagsimula na rin ang quarantine ngayong araw ni Xian bilang paghahanda para sa isang upcoming Kapuso mini-series.

Makakatambal ng aktor si Glaiza de Castro sa False Positive at inaasahang ipalalabas ito sa January 2022.

Kabilang si Xian sa bagong roster of stars na bahagi na ng GMA Network family. Nito lang Agosto, ibinahagi ng aktor ang kaniyang excitement sa paglundag sa bakod ng Kapuso network at makatrabaho ang mga star ng network.

Ayon sa aktor, “only took one phone call” ang pagtanggap niya sa offer ng Kapuso network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *