Wowowin ni Willie, hinahanap pa ba ng viewers?

Naglabas ng opinyon ang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis tungkol sa balitang nagpaparamdam umano ang TV host sa GMA Network na nais niyang makabalik sa istasyon.

Ani Lolit, tila hindi raw hinahanap ng televiewers si Willie dahil mas mataas raw ang rating ng programang ipinalit sa timeslot niya. Ito ay ang Dapat Alam Mo! nina Kuya Kim Atienza, Patricia Tumulak, at Emil Sumangil.

“Parang na-feel ko naman ang frustrations ni Willie Revillame, Salve. Imagine mo na isang buwan nang wala siya sa TV at hindi naman siya hinanap ng mga viewers. Malakas ang rating ng programang ipinalit sa timeslot niya. Parang wala naman nakapansin ng programa niya sa Facebook,” ani Lolit.

“Basta ganoon lang, nawala siya, OK lang. Iyan nga ang laging nangyayari sa mga followers mo, out of sight, out of mind. Eh hindi nga simbigat ng TV and followers ng Facebook. At kung totoo ngang malakas ito, bakit hindi kinuha sa TV. Saka kung talagang ganoon karami ang may gusto kay Willie Revillame, bakit wala siyang programa sa TV?”

Dagdag pa ng kolumnista na wala naman daw clamor ang tao na muling mapanood si Willie sa TV.

“Napatunayan ngang hindi siya gaanong kalakas dahil mas mataas ang rating ng ipinalit sa kaniya, plus the fact na wala naman clamor na mapanood siya uli kaya hayun, Facebook muna siya. Hindi naman siguro gagawing frontliner agad ng Villar TV si Willie kung ganyan, hindi naman pala singlakas ng inaasahan ang magiging dating niya.”

“Siyempre, ang gagawin mong frontliner, iyon talagang pag nakita mo sa istasyon mo, bulaga ang lahat. Iyon talagang bonggang-bongga talaga. Hindi na panahon ni Willie kaya tanggapin na natin na bawas ningning siya sa ngayon. Pagbalik ningning niya, iyon, bonggang-bongga ulit. Kelan kaya iyon Salve at Gorgy? Sana hindi naman matagal,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *