Willie Revillame, plano nang iwan ang ‘Wowowin’

Halos iisa ang hula ng netizens nag magsalita si Willie Revillame sa Wowowin noong nakaraang Huwebes ng gabi.

Ang hula ng netizens, papasukin na ng Wowowin host ang politika at kakandidato bilang senador sa Eleksyon 2022.

Pahayag ni Willie, sa tamang panahon daw ay sasabihin din niya ang magiging desisyon niya.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na nagbigay ng mensahe sa kaniya si Pangulong Rodrigo Duterte na pinapatakbo siya sa kaniyang partido.

Pero tahasang sinabi noon ni Willie na hindi niya papasukin ang politika.

Masaya na raw siyang nakakapag-abot ng tulong sa mamamayan. Kaya nga ang ibang reaksyon ng netizens ay nalulungkot na mawawala siya sa Wowowin kung sakali.

Marami rin naman ang nagsasabing susuportahan nila si Kuya Wil anuman ang kaniyang maging desisyon.

Pero ilang malapit kay Wilie ang nagsasabing mas makabubuting ituloy pa rin niya ang Wowowin, at huwag na niyang subukan ang politika. Nakakatulong naman siya kahit wala siyang posisyon sa gobyerno.

Noong nakaraang linggo lang ay mahigit limang milyong piso rin ang ipinangako ng Wowowin host na ibibigay na tulong sa mga sundalo.

Nagbigay rin siya ng financial support sa mga sundalong namatay, pati na rin sa ibang sundalo ay nangako rin siyang aabutan ng financial support.

One thought on “Willie Revillame, plano nang iwan ang ‘Wowowin’

  1. Yes po pati sina Arnold Clavio, Mike Enriquez, Peter Musñgi, Ces Drilon, Rey Langit, Raffy Tulfo, Freddie Aguilar, Eula Valdez, Joey Generoso, Rachel Areñas, Agot Isidro, Alvin Patrimonio, at Alfred Vargas ang tatakbong Senador ngayong Eleksyon 2022!!!

    #Halalan2022
    #Eleksyon2022

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *