Willie Revillame, “nahiya” sa ginawa ni Kris!

Napailing ang mga taong malapit kay Willie Revillame dahil inanunsyo ni Kris Aquino indirectly ang plano ni Willie sa darating na eleksyon.

Pinangunahan na daw kasi ng Queen of All Media ang Wowowin host na magsabi tungkol sa landas na kaniyang tatahakin.

Naunang sinabi ni Kris na labis siyang nagpapasalamat kay Willie kaya naman sobra rin ang suporta niya anuman ang gagawin ni Willie sa buhay niya.

Sa live TV event ng isang online shopping app ay si Kris ang guest co-host ni Willie na umere sa GMA-7.

Hindi pinalampas ni Kris ang pagkakataon na maglabas ng kaniyang galak sa kaniyang pagbabalik sa telebisyon.

Aniya, “Way before Shoppe came into our lives, way before anything else happened, he really wanted to give me a chance to get a comeback.

“So kung ano man ang magiging landas na tatahakin ni Willie, kung saan man siya pupunta, he can count on me to be there for him, kung saan man ‘yun.

“He has my love, my support. Hindi ko alam kung pwedeng sabihing boto, pero sa kaniya ako.”

Biglang natigilan si Kris at napatingin kina Willie, sabay sabing “Bakit? Shut up na ako? Sige, alis na ako. Baka mapauwi ako.”

Pagpasok ni Willie, tinabihan niya si Kris at sinabing “Excuse me.” Dagdag pa ni Kuya Wil, “Ikaw na ang bahala sa gusto mong sabihin. Bahala ka na, naguguluhan ako sa’yo. Kris! Shopee ‘to. Hindi ‘to love story, okay?”

Tumingin si Willie sa staff at nagtanong ng “What’s next?”

Hirit ni Kris, “Anong love story? Wala naman akong love story na sinasabi. Ang sinasabi ko lang, nagpapasalamat lang ako sa’yo.”

Habang nagsasalita si Kris ay sumigaw na si Willie ng “Ito na po sina Ariella and Andrea.”

Inulit naman ni Kris ang sinabi ni Willie pero hindi na siya pinapakita sa screen. “Okay, we have Ariella and Andrea!” sigaw ni Kris.

Willie kay Kris: “Tumigil ka na nga! Nakakahiya yung ginagawa mo!”

Habang ongoing pa ang programa ay napansin ni Kris na pawis na pawis si Willie kaya pinunasan niya ito sa noo, bagay na ikinagulat ng huli.

“Saglit lang, bakit walang nag-aalaga sa’yo. Pawis na pawis na si Willie. Hindi niyo siya pinupunasan. Nababaliw ako sa iyo. Dapat inaalagaan ka, pinababayaan ka!” pahayag ni Kris.

Umiwas naman si Willie kay Kris at sabay sabing, “Hindi po kami AlDub. Lolo na ako. Magiging lola ka na rin.”

“Of course not! Matagal pa ‘yun!” sagot kaagad ni Kris.

“Tumigil ka na nga! Nakakahiya ‘yung ginagawa mo!” sabi ulit ni Willie dahil talagang sinusundan siya ni Kris kahit lumalayo na.

“Pinupunasan ka lang. ‘Wag mong lagyan ng meaning,” paalala ni Kris.

Bulalas naman ni Willie, “Bakit kailangan mo akong punasan?”

“At least, inaalagaan ka! Ayaw mo ba ‘yun?” nakangiting sabi ni Kris.

Katwiran naman ni Willie, “Hindi ako sanay na inaalagaan ako. Inaalagaan ko sarili ko.”

“Okay, bahala ka! Your loss!” huling banat ng TV host/actress.

Mabilis na nag-viral ang senaryong ‘yun nina Willie at Kris, at marami naman ang boto sa kanila.

Agad namang nagpaliwanag si Kris sa social media account niya. Sabi niya, “Sorry, I’m just being naughty, sinabi ko naman kasing ‘wag akong seryosohin- pero obvious naman na kinilig…

“But in all sincerity, straight from my heart THANK YOU WILLIE- for your generosity and for really taking care of me (rehearsals pa lang kagabi- ilaw, music, camera angles, audio, and pati graphics talagang tinutukan n’ya).

“Like I said you have my lifelong gratitude and support because when you didn’t have to, naging napakabuti mo sa’min nila Kuya Josh & Bimn. For the 3 of us #ikawnanga,” aniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *