Willie Revillame, kumalas na sa GMA!

Matagal nang usap-usapan sa social media na may isang sikat na Kapuso personality ang aalis na sa bakuran ng GMA Network.

At kahapon lang, February 4, ay opisyal nang inanunsyo ng GMA-7 na hanggang February 11 na lang mapapanood ang programa ni Willie Revillame na Wowowin sa Kapuso station.

Naglabas ng maikling official statement ang GMA-7 ukol dito:

“Willie Revillame’s contract with GMA Network is set to end on the 15th of this month. His show Wowowin will air until Friday, February 11.

“We wish him good luck in his future endeavors,” ang kabuuang pahayag ng GMA-7.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang pahayag si Mr. Revillame kung lilipat siya sa bagong Channel 2 na nasa ilalim na ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ng malapit niyang kaibigan at business partner na si Manny Villar.

IN PHOTO: Willie Revillame (Left), Manny Villar (Center), Dolphy (Right)

Ang AMBS ang pinagkalooban ng frequency ng National Telecommunications Commission (NTC) na dating ginagamit at ino-operate ng ABS-CBN Corporation.

Noong nakaraang Huwebes ay sinabi niyang last two days na raw nila iyon sa kaniyang resort-hotel sa Tagaytay. Hindi naman niyang sinabing babalik na sila sa studio.

Sinabi niyang sana ay tuluy-tuloy pa rin silang mapapanood at ang tanging hangad lang naman daw nila ay makatulong sa lahat, lalo na sa patuloy na sumusubaybay at sumusuporta sa kaniyang programa.

Malaki nga ang posibilidad na kunin siya ni Villar ngayong kumpirmado na ngang hanggang Friday na lang ang Wowowin at hanggang February 15 na lang ang kaniyang kontrata sa GMA Network.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko kung gaano ka-close si Willie sa dating senador at sa pamilya nito.

Ang isa pang duda ng ilan kaya hindi na na-renew ang kontrata ni Willie sa GMA-7 ay dahil magsisimula na ang kampanya para sa eleksyon sa susunod na linggo.

Ginawa palang partylist ang Tutok to Win na kung saan ay first nominee si Sam Versoza ng Frontrow na close rin kay Willie.

Maingat ang GMA-7 pagdating sa politika at pinananatili nila ang pagiging non-partisan, kaya hindi kami sure kung apektado ba sa desisyon ng dalawang kampo ang pagsali ng Tutok to Win bilang isang partylist.

Ayon naman sa isang source, wala pa naman daw plano ang AMBS na mag-start. Baka palamigin raw muna ang kung anu-anong isyu bago magpaka-active ang AMBS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *