Willie Revillame, Kapuso pa rin!

Limang taon na ang nagdaan pero tuluy-tuloy pa rin sa paghahatid ng saya ang Wowowin host na si Willie Revillame.

Kahapon, January 20, naganap ang exclusive contract renewal ng host sa Kapuso Network. Kasama n’ya sa kanyang contract signing ang mga staff ng kanyang programang Wowowin.

Present din sa event sina GMA’s Chairman and CEO na si Atty. Felipe L. Gozon, Executive Vice President and Chief Financial Officer na si Felipe S. Yalong, at President and COO Gilberto R. Duavit Jr.

Willie with big bosses of GMA Network

Sa panayam ni Audrey Carampel sa TV host, sinabi ni Willie na parang pangalawang tahanan n’ya na ang GMA dahil sa kanyang limang taong pananatili sa network.

“Dito sa GMA, e, parang niyayakap ka.

“Dito nararamdaman mo ‘yung concern at saka dito nagkakaisa ang lahat e. Ang sarap ng feeling dito, kasi lahat ng makakasalubong mo binabati ka.

“Siyempre, very supportive rin ang management — of course si Mr. Gozon, Mr. Duavit, Mr. Yalong — lahat, not just the bosses. Maganda rito may unity, nagkakaisa at nagmamahalan.”

The Wowowin host handshakes with the Kapuso Executives

Inanunsyo rin ng Kapuso host na mapapanood na rin ang Wowowin tuwing Sabado simula sa February 15.

“Mondays to Fridays tayo ‘di ba? That’s the contract nang one year and what we did with this one is an additional day,” sabi ni Willie sa press.

“Ginawang Wowowin Primetime which will start on February 15, alas-siyete ng gabi. So, anim na araw na po magpapasaya ang Wowowin, anim na araw na pong magbibigay saya, ligaya, at pagmamahal sa ating mga kapwa.”

ALSO READ: GMA Upcoming Shows for 2020

Revillame renews his contract with GMA Network

Maliban sa isang araw na dagdag na pagpapalabas ng Wowowin sa ere, binanggit din ni Willie na muling ibabalik ang hit segment na “The Will to Win”.

“Nandun din ang ‘The Will to Win’ kung saan lahat ng talents na gusto sumali, ito na ang venue at entablado para sa inyo.

“Medyo mabigat [ngayon] kasi sobrang dami ng sumali [sa auditions]. Ang grand prize kasi two million in cash, isang kotse, and a brand new house and lot. Ibibigay ng Wowowin ang lahat ng kailangan mo, kasi sa tingin ko na kung magbibigay ka ng tulong, ibigay mo na ang lahat.

“Kaya kung magaling kang kumanta, sumayaw, mag-acrobatics, kahit ano pang talent mo na gusto mong ipakita sa mundo at sa ating mga kababayan, dito sa GMA at sa Wowowin mo ipakita yan. Very open tayo.”

Willie Revillame is Proud to be Kapuso

Dahil sa karagdagang isang araw ng Wowowin kada linggo, hindi napigilan ng press na tanungin si Willie Revillame kung hindi ba s’ya napapagod.

Sagot ni Willie, “Wala ka namang mararamdamang kapaguran kung nagbibigay ka ng saya, ligaya, at pag-asa sa iyong mga kababayan especially kung nararamdaman mo ‘yung pagmamahal ng kapwa mo sa iyo.”

Nagbabalik din sa Kapuso Network ang anak ni Gary Valenciano na si Gab. S’ya ang bagong direktor ng variety show ni Willie.

Gab Valenciano is the new director of Wowowin

Ang Wowowin ay ipinapalabas sa GMA-7, Lunes hanggang Biyernes, 5:30pm, bago ang 24 Oras.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *