Voltes V Live Action Teaser Photos, kumakalat online!

Hindi pa man lumalabas ang Official Teaser ng Voltes V Live Action Adaptation ng GMA-7, marami nang mga netizens ang nag-react tungkol dito.

Marami ang natuwa at na-excite, pero marami rin naman ang nangangamba na hindi maganda ang kalabasan nito.

Pero bago natin husgahan, abangan muna natin ang Premiere ng Voltes V Teaser na mapapanood na mamayang gabi sa New Year Countdown to 2020 ng GMA.

May mga lumabas rin na mga larawan online na nagpapakita kung ano ang magiging itsura ng Pinoy Adaptation.

Voltes V in front of Smart Araneta Coliseum in Cubao, Quezon City

Ang larawang sa itaas ay matagal nang nag-circulate sa internet na mate-trace na ginawa pa noong 2010 nang mapabalitang gagawin itong movie ng GMA Films. Naka-attach pa noon ang pangalan ni Direk Rico Gutierrez para magdirek ng Live-Action Film ngunit hindi ito natuloy.

Last year, ginawan ng Lead Concept Artist ng GMA Network na si Noel Layon Flores ng disenyo ang mga costumes na gagamitin sa Voltes V Live Action Series.

Photo Credit: Noel Layon Flores
Photo Credit: Noel Layon Flores
Photo Credit: Noel Layon Flores

Si Noel Flores din ang nagdisenyo ng mga costumes na ginamit sa Atlantika, Encantadia 2016, Mulawin vs Ravena, at Mystified.

Excited na ba kayo sa Teaser ng Voltes V? Sama-sama nating panoorin yan sa GMA New Year Countdown 2020 mamayang gabi.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *