‘Voltes V Legacy’ teaser, umabot na ng 1 million views!

Hindi napigilan ng mga netizen na maglabas ng kanilang tuwa sa nalalapit na pagbabalik telebisyon ng beloved anime series na Voltes V Legacy sa pamamagitan ng isang live-action adaptation na ipo-produce ng GMA Network.

Ang teaser ng live-action remake na ipinost noong pagsalubong ng bagong taon sa Facebook ay umabot na sa 1.2 million views sa kasalukuyan.

Ang teaser ay nakapagtala rin ng hindi bababa sa 38,000 shares, 50,000 reactions, at mahigit 7,300 na comments.

Napukaw rin ang atensyon ng mga netizen at hindi nila napigilang purihin ang teaser. Hindi na rin sila makapaghintay na mapanood ang Voltes V Legacy sa telebisyon.

Ang live-action adaptation ng Voltes V Legacy ay nakatakdang ipalabas ngayong 2020.

Related Stories:

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *