‘Voltes V Legacy’ First Teaser

Inilabas na ng GMA-7 ang first teaser ng Voltes V Legacy. Sa nasabing teaser, makikita ang ilan sa iconic scenes ng Voltes V anime. Kabilang na rito ang Camp Big Falcon.

Camp Big Falcon
Anime (Left), Live Action (Right)

Ipinasilip rin sa teaser ang itsura ni Voltes V.

Pinakita rin ang likuran ng pangunahing villain ng serye na si Prince Zardoz, pinuno ng mga Boazanian.

Nasa teaser din ang pakikipaglaban ni Voltes V sa kalaban.

Talaga nga namang nakamamangha ang first teaser ng Voltes V Legacy at mapapanood ito ng bagong henerasyon.

Taong 1978 ito nang unang ipalabas at maka-ilang beses itong nagkaroon ng rerun para sa mga bagong manonood.

Sa panahon natin ngayon, mahirap nang ipapanood sa mga kabataan ang original anime nito dahil iba na rin ang kanilang panlasa. Mapapansin natin ito sa mga pelikulang ginagawa ng Disney na ilang beses na ring gumawa ng Live-Action adaptation ng mga minahal nating Disney Classics.

Kahit na nakita na natin ang teaser ng Voltes V Legacy, hindi pa rin nirereveal ang gaganap sa magkakapatid na sina Steve, Robert (Big Bert), at Jon (Little Jon) Armstrong, pati na rin ang dalawa pang kasama sa Voltes V Team na sina Mark Gordon at Jamie Robinson.

Narito ang Official First Teaser ng Voltes V Legacy:

Video Credit: GMA Network, TOEI Philippines, Telesuccess Productions

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *