Viral na litrato ni Jeric Gonzales, hindi daw totoo?

Kumakalat ngayon sa social media ang malisyosong litrato ni Kapuso actor Jeric Gonzales at ng hindi pinangalanan na lalaki.

Nagulat ang mga netizen sa mga litrato ng nabangit na aktor na nagpapakita ng malisyosong kuha na inilabas sa Facebook Page na “Isyus” at sinegundahan naman ng FB Page na “Paraluman.”

Hindi maiiwasan na pagputaktihan ng nakakarami ang isyu na ito dahil alam ng lahat na si beauty queen-turned-actress Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang kanyang kasalukuyang kasintahan, at isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon kamakailan lamang.

Para sa mga hindi pa nakakakita sa mga nabangit na larawan, makikitang naglalambingan, naghahalikan at makaterno pa ng singsing ang aktor na si Jeric Gonzales at ng hindi pa napapangalanan na lalaki. Nakuhanan pa ng Screenshots ng mga netizen si Jeric at ang nasabing lalaki na may suot na magkaparehong relos mula sa IG account ng nasabing aktor.

Baka screengrab lamang daw ito mula sa isang proyekto ng aktor, halimbawa nalang ng palabas sa kategorya ng isang “Indie Film.” Ayon pa sa mga netizen at mga tagahanga ng aktor ay huwag kaagad husgahan ang pagkatao ng aktor batay lamang sa mga kumakalat na litrato. Nagsalita rin si “Euwan Pascual,” isa sa may pinaka lumutang na komento sa isyu, ngunit hindi tiyak ang koneksyon sa mga taong nauugnay sa usapin, pinasisinungalingan niya ang mga balita patungkol sa sexual preferences ng aktor. Makikita ang kanyang komento sa ibaba.

Tila wala namang reaksyon si Jeric tungkol sa isyu.

Sa latest Instgram Story ni Jeric, makikitang nanggaling ang aktor at si Rabiya sa kanilang late night dinner together at makikita rito ang kanilang sweet gesture para sa isa’t isa.

Photo Credit: Jeric Gonzales (IG Story @jericgonzales07)

Sa kasalukuyan nanataling tahimik si Jeric patungkol sa isyu na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *