Vice Ganda at Paolo Ballesteros, BFF ang tambalan sa isang event!

Sina Vice Ganda at Paolo Ballesteros ang dalawa sa mga pinakakilalang TV host ng bansa sa ngayon. Si Vice na host sa ABS-CBN at si Paolo naman ay napapanood sa GMA Network.

Sa kabila ng ‘di maitatangging kompetisyon sa kani-kanilang mga “bahay,” nagtambal pa rin ang dalawa, as friendlies and pros, sa isang event.

Ang nasabing event ay nangyari pa noong December last year. Inorganisa ito ni Vice at binuksan para sa lahat na bahagi at sumusuporta sa LGBTQIA community.

Nitong nakaraang Linggo lang, January 23, ipinost ni Vice ang video mula sa event sa kaniyang YouTube channel na ikinasaya ng fans ng dalawa.

Ayon sa TV host, pinangunahan niya ang naturang event upang magkaroon ng koneksyon at magandang relasyon ang mga katulad nila sa industriya.

Isa sa mga imbitado sa nasabing event ay si Paolo Ballesteros na kilala rin na isang kabogera representative ng LGBTQIA community.

Nitong Linggo rin lamang nag-post si Paolo ng mga larawan niya kasama si Vice at ng iba pang mga naimbitahan sa nasabing event. Kalakip ang pasasalamat kay Vice para sa imbitasyon nito.

Totoo nga ang kasabihan na, FRIENDSHIP KNOWS NO BOUNDARIES!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *